Home Celebrities Aika Robredo, ikinuwento ang pag ganda ng panahon kapag dumadating si Leni Robredo

Aika Robredo, ikinuwento ang pag ganda ng panahon kapag dumadating si Leni Robredo

0

Naglaan ng mensahe ang isa sa mga anak ni presidential candidate Leni Robredo na si Aika para sa kanyang ina.

Sa miting de avance ng mga tinaguriang ‘Kakampink’ nitong Mayo 7, ikinuwento ni Aika ang tila pagbuti ng panahon kapag dumadating ang kanyang ina sa mga campaign rallies nito.

“Sa bawat sortie na hindi maganda ang panahon, biglang tumitigil ang ulan kapag si mama ay nagsasalita na,” ani Aika.

“May rainbow na sumasalubong sa airport kapag lumalapag ang eroplano. Sa mga house-to-house po namin, kapag nakatirik ang araw may dumadaan na simoy ng hangin.

“May paru-paro na minsan ay sumasabay kapag kami’y nagsasalita. Para bang lagi siyang nagpapaalala sa ating lahat, tiwala lang.”

Viral na viral sa social media ang nasabing video na pinanood na ng libo libong netizens.

May ilan naman na hindi napigilan magbiro tungkol sa nasabing speech ni Aika.

“Kaya pala nakarating sila sa mundo ng Encantandia sa pag House2House dahil hawak na ni Mamshie ang mga Brilyante. kontrolado niya ang apat na elemento.” sabi ni Vanessa Lera Divinagracia.

“Aika summer po kasi…at yung rainbow dahil pagkatapos umulan umiinit…
When can you see a rainbow? A rainbow requires water droplets to be floating in the air. That’s why we see them right after it rains. The Sun must be behind you and the clouds cleared away from the Sun for the rainbow to appear.” wika ni Hannelie Bonete.
“Para na niyang sinabi na mama nila sugo ng langit juskoh kakakilabot,” komento naman ni Tess Fernando.

Facebook Comments