Home Social Media Winnie Monsod, sinabing gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Bongbong Marcos: “Some relatives say he is”

Winnie Monsod, sinabing gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Bongbong Marcos: “Some relatives say he is”

0

Matindi ang akusasyon na ibinato ng ekonomista at propesor na si Winnie Monsod laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ilang araw bago ang halalan 2022.

Sa kanyang column sa Inquirer, naniniwala si Monsod na isang “cokehead” o ‘yung gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Marcos na kinumpirma mismo ng mga malalapit sa kandidato.

Ayon sa kanya ay tiwala siya sa kanyang mga sources na pinagkuhanan ng impormasyon tungkol kay Marcos.

“Is this candidate for president a cokehead? Some friends and relatives say he is (so did President Duterte, but he is unreliable) Unfortunately, they will not say so in public, without getting into trouble themselves.” ani Monsod sa kanyang column.

“Others point to characteristics common to cocaine addicts, such as poor hygiene habits, runny nose/nosebleeds, dilated pupils. Not having gotten anywhere near the candidate, I cannot attest to these. But I can attest to the unimpeachability of my sources.” sabi niya pa.

Matatandaan na naging tutor ni Marcos si Monsod noong ito’y naghahanda para sa kanyang pag-aaral sa Oxford.

READ MORE: Winnie Monsod nag walk-out sa unang araw sana ng pag-tutor niya noon kay Bongbong Marcos

Wala pang tugon ang kampo ni Marcos sa sinabi ni Monsod laban sa nangunguna ngayong kandidato sa mga surveys.

 

Facebook Comments