Home Celebrities Sharon Cuneta, sinabing kaibigan niya si BBM at Sara: He was my friend. Sara is like my sister

Sharon Cuneta, sinabing kaibigan niya si BBM at Sara: He was my friend. Sara is like my sister

0

Inamin ni Megastar Sharon Cuneta na malapit siya kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Sara Duterte.

Sa talumpati nito sa Leni-Kiko campaign rally sa Sta. Rosa, Laguna ay hindi napigilan ni Sharon na ibahagi sa mga Kakampink ang kanyang relasyon kay Marcos at Duterte.

Ayon sa kanya ay ang pinaka-close niya sa pamilya Marcos na mula pa noon ay kakilala na niya ay si Bongbong.

Matatandaan na ninong ni Sharon si dating Pangulong Ferdinan Marcos Sr.

READ MORE: Dating Pangulong Marcos, nagprisinta na maging ninong ni Sharon Cuneta sa kasal niya kay Gabby Concepcion

“Among the Marcos children, I would consider Bongbong the closest I had become to. Si BBM hindi ko iniwan. Hindi ko siya iniwan that whole time,” ani Sharon.

“Hindi nangangahulugang agree ako sa mga nalaman ko na unti-unti namulat ang mata ko dahil kilala ko ang pamilya personally. Hindi naman ganoong ka-close. Pero kilala ko sila… I did not leave Bongbong during all those years after People Power. He was my friend,” dagdag niya pa.

sharon cuneta ferdinand marcos 1200x675 1

Ikinuwento din nito ang kanyang pakikipag-kaibigan sa pamilya Duterte lalo na kay Mayor Sara na sinabi niyang isang solid na ‘Sharonian’.

“I met Sara when she was nine years old. Ever since she was nine years old, she has been a Sharonian. And Sara has been like my sister… Sara is my friend. She was like my sister. I hope after elections… I hope we can still be friends.” sabi ng aktres.

sharon sara

Matatandaan na naglabas ng sama ng loob noon si Sharon sa mga Duterte dahil sa hindi sinuportahan ng mga ito ang kanyang kapatid na si Chet na tumatakbo noon bilang alkalde ng Pasay.

READ MORE: Sharon Cuneta, naglabas ng sama ng loob sa pamilya Duterte: “Nagulat kami pati ang kalaban inendorso din!”

Ngunit ayon kay Sharon ay hindi parin magiging dahilan ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga Marcos at Duterte upang iwanan niya ang mga Kakampink.

“Do you want your children, your grandchildren and your grandchildren’s children and so on and so forth – all the generations to come, to say, ‘My lola or my mother or my father or my lolo voted for the right leaders when they could?’” wika ng aktres./

“You’re young, you’re smart, you’re woke, you know fake news, you know what’s real. You know how to find out the truth. It is so easy in this day and age. Do your research. Convince those na hindi pa namumulat ang mata na ito dapat ang gobyerno natin. Ipaglaban natin ito,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments