Home Celebrities Sharon Cuneta, may mensahe kay Sara at BBM: “Kahit wala na si tatay sa aking buhay, never kang nawala”

Sharon Cuneta, may mensahe kay Sara at BBM: “Kahit wala na si tatay sa aking buhay, never kang nawala”

0

Kahit sa mismong miting de avance ni presidential candidate Leni Robredo at vice presidential bet Kiko Pangilinan ay hindi parin napigilan ni megastar Sharon Cuneta na magbigay ng mensahe sa mga katunggali ng kanyang sinusuportahan.

Nitong Mayo 7, nagbigay ng mensahe si Sharon sa tambalan nila Bongbong Marcos at Sara Duterte na may isinasagawa ring miting de avance noong araw na ‘yon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Sharon na ipinagdarasal niya na sana’y makiisa si Marcos at ang lahat ng mga Pilipino ano man ang maging resulta ng halalan.

“Bong, I don’t have to agree or like what you’ve done or what you have not done.. For me to always remember your kindness towards me when I was growing up as well as your whole family. I wish you Liza (Araneta-Marcos) and your beautiful boys God’s blessings and that we all come together when all this is over and just be Filipinos,” ani Sharon.

Hindi rin nito nakalimutan na magbigay ng mensahe kay Sara na tinawag niyang ‘Sharonian’.

Ayon sa kanya ay kahit wala na si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang buhay ay hindi nawala si Mayora Sara sa kanya.

Matatandaan na naglabas ng sama ng loob si Sharon kay Pangulong Duterte dahil sa mga sinasabi nito tungkol sa asawa niya.

“I also want to say to Sarah, Inday nagkakainditihan tayo kahit wala na si tatay sa aking buhay never kang nawala, alam ko dahil hindi ka lang Sharonian pero mahal kita, kaya lang ang bise presidente ko talaga si Kiko, nagkakaintindihan naman tayo,” sabi pa ng megastar.

Nagpasalamat din ito kay vice presidential candidate Tito Sotto dahil sa kanilang mabuting relasyon.

Facebook Comments