Home Netizen's Voice Presidential candidate Leni Robredo, naluha diumano sa gitna ng miting de avance ng mga Kakampink

Presidential candidate Leni Robredo, naluha diumano sa gitna ng miting de avance ng mga Kakampink

0

Libo libong netizens ang naantig sa ilang larawan na kumakalat sa social media kung saan makikita ang pagluha diumano ni presidential candidate Leni Robredo.

Kuha ang larawan sa miting de avance ng tambalan nila Robredo at vice presidential bet Kiko Pangilinan na ginanap sa Makati nitong Mayo 7.

Ibinahagi ni netizen Ohm Sirpongthon ang nasabing larawan na ngayon ay mayroon ng 12,000 shares.

“Madam Leni is crying too. Ang lakas ng mga sibuyas!!” sabi ng netizen.

Ilang netizens naman ang hindi napigilan na magpakita ng suporta kay Robredo matapos makita ang pagluha nito.

“She was probably thinking of Sec. Jess this time. Naga reminds her so much of her late husband. Don’t worry madam, I’m sure he’s smiling up in heaven, so proud of you right now.” sabi ni netizen Jerra Gojar.

“Manalo or matalo, the journey of months of campaigning and collective efforts of everyone, will surely remain in my memories and will be forever cherished in my heart. Salamat sa pagiging inspirasyon, maam Leni Gerona Robredo. You are our hope.” komento ni Angelica Kim Evangelio.

“Huhu Vp Leni was crying because she fells so much of joy and happiness and she fell the love of all kakampinkss who supports here all the way we are so much proud of you Vp Leni we are praying that you’ll win this election and to serve the country with humanity and truth leadership ikw Ang liwanag sa madidilim na pangarap!! We love you always and we are here always for you Kay Leni Roberedo tayo!!!” wika naman ni Freidich Morales.

Punong puno lagi ng emosyon ang mga rally nila Robredo na laging dinadaluhan ng mga artista.

Matatandaan na noon ay umiyak din ang ka-tandem ni Robredo na si Pangilinan dahil sa nakitang pagmamahal sa kanya ng mga magsasaka.

 

 

Facebook Comments