Home Celebrities Pagsigaw ng mga Kakampink sa harapan ng kapilya ng Iglesia ni Cristo, binatikos ng ilang miyembro

Pagsigaw ng mga Kakampink sa harapan ng kapilya ng Iglesia ni Cristo, binatikos ng ilang miyembro

0

Inulan ng batikos mula sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ang ginawa ng isang grupo ng mga tagasuporta ni presidential candidate Leni Robredo.

Sa larawan na ibinahagi ni Nelski Duran, makikita ang ilang larawan kung saan ay makikita ang mga Kakampink na nakatambay sa harap ng iba’t ibang Kapilya ng INC na matatandaang sumusuporta sa kandidatura ngayon ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Buong galang at maluwag na tinanggap ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo si VP Leni Robredo sa aming tanggapan. Ngunit bakit kailangang humantong sa ganitong pangyayari? Nakakahapis ng damdamin,” ani Duran.

“Hindi naman namin kayo hinahadlangan na iboto kung sino ang inyong nais. Respeto lang po. After election at kung sinoman ang manalo, magkakaibigan, magkatrabaho, magkapitbahay pa rin tayo.” dagdag niya pa.

279722696 10158695349811705 646982611285712860 n
Larawan mula kay Nelski Duran

May isang larawan din na kuha kung saan ay sinabitan ng mga tarpaulin ni Robredo ang harapan ng Kapilya.

279725780 10158695168216705 530241340462751553 n
Larawan mula kay Nelski Duran

Sa isang video naman ay makikita ang pag-iingay ng ilang miyembro ng mga Kakampink sa harapan ng kapilya ng INC.

Kinakanta nila ang campaign jingle na likha ni Gab Valenciano sa harap ng kapilya.

Hindi naman ito nagustuhan ng ilang miyembro ng INC dahil ginugulo ng mga tagasuporta ni Robredo ang ginagawang pagsamba nila.

“May on-going na Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos habang ginagawa nila yan – Malinaw na disrtubing the ceremonies.” ayon kay netizen Eric Estillero.

Ipinagbabawal sa batas ang pag-istorbo ng sinuman sa mga religious worship at maaring parusahan ang gumawa nito.

Sa ngayon ay mayroon ng 450 shares ang nasabing video sa social media.

Wala pang tugon ang pamunuan ng INC sa ginawa ng mga Kakampink.

Facebook Comments