Home Celebrities Cristy Fermin, may prangkang mensahe kay Vice Ganda: ” Bastos si Vice Ganda, natatakot siya na baka isang araw, may lumampas sa kanya”

Cristy Fermin, may prangkang mensahe kay Vice Ganda: ” Bastos si Vice Ganda, natatakot siya na baka isang araw, may lumampas sa kanya”

0

Maanghang ang mensahe ng beteranang kolumnista na si Cristy Fermin laban sa komedyante na si Vice Ganda.

Sa kanyang programang “Showbiz Now Na!” kasama ang kanyang mga co-host na sina Romel Chika at Morly Alinio, pinag-usapan nila ang isyu tungkol kay Vice at sa kapwa nito komedyante na si Juliana Parizcova.

Matatandaan na si Juliana diumano ang pinatatamaan ni Vice na tinawag nitong ‘troll na naghihirap’.

Ayon kay Cristy ay kung totoo man na kinakalaban ni Vice ang mga maliliit na komedyante katulad ni Juliana ay ibig sabihin ay “bastos” ito.

READ MORE: Julia Parizcova Segovia kay Vice Ganda: Galing pa sayo na iniidolo ko ang ganoong salita

Naniniwala ang kolumnista na natatakot si Vice na dumating ang panahon na mayroong komedyante na papalit sa kanyang kasikatan.

“Kaya siya hindi pinangalanan ni Vice, duwag si Vice. Duwag si Vice… Hindi mo pa diniretso na si Juliana yan, pinatagilid mo pa samantalang kargado naman yung mga mensahe mo…” ani Cristy.

“Duwag nga siya e, bakit hindi mo pinangalanan? Natatakot ka? E di lalong kahiya-hiya itong nangyari ngayon, ang umalsa mga kababayan natin hindi si Juliana. Alam mo ito, pagka-pinagbasehan natin itong isyu na ito, isa lang ang kahulugan nito. Bastos si Vice Ganda, natatakot si Vice Ganda na baka isang araw, may lumampas sa kanya. Yun lang.” dagdag niya pa.

Naniniwala si Cristy na hindi papayag si Vice na may lumampas sa kanya kaya’t gagawin niya ang lahat upang mapabagsak ito.

“Tsaka si Vice Ganda ang klase na sumikat na personalidad, hindi siya papayag na may umabante kesa sakanya. Hindi siya papayag na may mas malaking artistang tulad niya na maipanganak. Kumbaga sa paghahalaman, bo-bonsayin niya lahat para wala siyang makatapat… ako mismo, paninindigan ko, bastos si Vice Ganda.” sabi pa ng kolumnista.

Wala pang tugon si Vice sa banat sa kanya ni Cristy.

Facebook Comments