Home Social Media Chel Diokno, nahihiya dahil sa pagkukumpara sa kanya kay Robin Padilla:

Chel Diokno, nahihiya dahil sa pagkukumpara sa kanya kay Robin Padilla:

0

Inamin ni senatorial candidate Chel Diokno na nahihiya siya kapag inihahambing siya sa kapwa niya kandidato sa pagkasenador na si Robin Padilla.

Ilang netizens kasi ang tila hindi matanggap na mas malaki ang tsansang manalo ni Padilla kaysa kay Diokno kahit na mas mataas ang pinag-aralan ng abogado kaysa sa kilala action star.

Nahihiya man si Diokno dahil tila lagi silang “pinagsasabong” ni Robin ng mga netizens, naiintindihan niya naman na may ilan na tinitignan talaga ang ‘track record’ ng mga kandidato.

“Nahihiya po ako kay sir Robin Padilla na kami’y pinagsasabong ng mga netizen. Pagdating sa appeal, totoong milya-milya ang lamang niya sa akin. Masakit lang pala pag may nagsasabing hindi nila ako iboboto dahil hindi ako kasing pogi kahit aminado naman ako na totoo ito,” ani Diokno.

“Gayunpaman, hindi natin maalis sa mga botante ang paghambing nila ang kakayahan at track record ng mga kandidato. Bahagi ito ng proseso ng pagpili kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat sa kanilang boto,” dagdag niya pa.

Matatandaan na kahit na magkalaban sila sa politika ay maganda ang relasyon ni Padilla at Diokno.

Nitong Mayo 4 ay binati pa ng aktor si Diokno dahil sa nakapasa ang anak nito sa bar exam.

Sa ngayon ay pasok sa top 5 sa ilang mga survey si Padilla habang bigo naman makapasok sa top 12 si Diokno na ikalawang beses ng tumatakbo sa pagkasenador sa ilalim ng oposisyon.

Facebook Comments