HomeSocial MediaBahay na nilagyan ng Leni-Kiko tarp ni Jolina Magdangal, nilagyan muli ng...

Bahay na nilagyan ng Leni-Kiko tarp ni Jolina Magdangal, nilagyan muli ng BBM-Sara tarp

Tila bigong makumbinsi ng aktres na si Jolina Magdangal ang isang bahay na sinabitan niya ng tarpaulin ni presidential candidate Leni Robredo at vice presidential bet Kiko Pangilinan.

Matatandaan na nag-viral sa social media si Jolina matapos diumano nitong matagumpay na makumbinsi ang isang bahay na sumusuporta kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lumipat kay Robredo.

Makikita sa video na tuwang tuwa si Jolina at ang iba pang mga Kakampink habang tinatanggal nila ang tarpaulin ni Marcos at palitan ng kay Robredo.

Ngunit makalipas ang ilang araw ay binisita ng ilang netizens ang kaparehong bahay at makikita na wala na ang tarpaulin ni Robredo.

Mas madami pa ngayon ang nakasabit na BBM-Sara tarp sa nasabing bahay na ikinatuwa naman ng mga tagasuporta ng UniTeam.

Ayon sa ilang ulat ay nahiya lamang daw ang may-ari ng bahay lalo na’t si Jolina ang mismong nangumbinsi sa kanila para lumipat kay Robredo.

Mayroon ding mga nakatutok sa kanilang camera kaya naman hinayaan na lamang nila ang kagustuhan ng mga tagasuporta ni Robredo.

Buo na daw talaga ang desisyon ng may-ari ng bahay na iboto ang tambalang BBM-Sara kaya’t mahirap na silang makumbinsi kahit ng isang artista.

Wala pang tugon si Jolina tungkol dito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular