Hindi susuportahan ni Sarah Geronimo at asawa nitong si Matteo Guidicelli ang kandidatura ni presidential candidate Leni Robredo.
Ito’y matapos kumalat ang ilang balita sa social media kung saan ay magpapakita na daw ng suporta o ‘titindig’ na si Sarah at Matteo para kay Robredo katulad ng ginawa ng kanilang mga kasamahan sa showbiz.
Matatandaan na kumalat kasi noon ang larawan ng tinaguriang ‘Popstar Royalty’ na kasama ang composer ng campaign jingle ni Robredo.
“Everytime I listen to Kay Leni Tayo, I can’t help myself but think that the song fits Sarah G’s vocals. Please universe make it happen!” sabi ng isa pang netizen na umaasa na maging Kakampink ang singer.
TRENDING NOW: Popstar Royalty Sarah Geronimo for President Candidate VP Leni Robredo ? 🌸
Sarah G spotted with Nica Del Rosario composer of Leni Tayo and Rosas. Will Sarah G singing "Rosas"? 🌹
Photo credit to owner pic.twitter.com/p06GYa3nvc
— Kapamilya Online World (@kowalerts) March 16, 2022
Ngunit ayon sa VIVA Artist Agency, hindi susuportahan ng kanilang mga alaga si Robredo o ang kahit sinumang kandidato ngayong halalan.
“Contrary to rumors circulating, our artists, Sarah Geronimo-Guidicelli and Matteo Guidicelli, are not endorsing any political candidate for the upcoming elections,” ayon sa pahayag ng Viva.
Halo naman ang reaksyon ng mga netizens sa pahayag ng VIVA.
“There are still some big stars who kept silent or apolitical such as Coco Martin, Judy Ann Santos, Alden Richards, Maine Mendoza, etc. So don’t judge Sarah G and Matteo.” sabi ni @TitaCluvSarahG.
“Wag niyo i pressure si Sarah G. it took her 30 years to fight for her own self, malamang it will take longer to fight for society. We all have our path and milestones. Better she comes to it on her own than drag her to to whatever pedestal we want to put her on.” wika ni @padawanpot.