Home Celebrities Robin Padilla, may mensahe kay Loren Legarda: “Talikuran man kayo ng taong malapit sa inyo, hinding hindi kayo tatalikuran ng anak ng bayan!”

Robin Padilla, may mensahe kay Loren Legarda: “Talikuran man kayo ng taong malapit sa inyo, hinding hindi kayo tatalikuran ng anak ng bayan!”

0

Madamdamin ang naging mensahe ni senatorial candidate Robin Padilla sa kapwa niya kandidato na si Loren Legarda.

Sa kanyang talumpati sa miting de avance ng UniTeam sa Tagum, Davao del Norte nitong Mayo 5, sinabi ni Padilla na kung itinakwil man si Legarda ng malalapit sa kanya ay hinding hindi naman siya iiwan ng taumbayan na sumusuporta sa kanya.

“Mga mahal kong kababayan dito sa Tagum, itong gabi pong ito ay nais ko pong ialay sa isang kasama, sa isang senador ng UniTeam na si Senador Ma’am Loren Legarda.” ani Robin.

“Sapagkat nais ko pong iparating sa inyo, Ma’am senator, talikuran man kayo ng mga  taong malalapit sa inyo, hinding-hindi kayo tatalikuran ng anak ng bayan! The sons and daughters of our beloved country will never forsake you!” dagdag pa ng aktor.

Sinundan naman ito ng sigaw ng mga tagasuporta ng UniTeam.

Matatandaan na nagsulat ng open letter ang anak ni Legarda na si Lorenzo Legarda Leviste kung saan sinabi nito na kinamumuhian niya ang kanyang ina dahil sa pagsuporta sa tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte.

“For weeks I have been paralyzed in pain. But I have no choice but to publicly declare that I am absolutely disgusted by my mother and what she has decided to do. it sickens me and makes me want to die,” sabi ni Leviste.

Inulan naman ng suporta at batikos si Leviste sa social media dahil sa pagtatakwil niya sa kanyang ina dahil sa pinili nitong kakampi sa politika.

Hanggang ngayon ay hindi parin nagsasalita si Legarda tungkol sa open letter ng kanyang anak.

Facebook Comments