Home Celebrities Pipay sa mga botante: “Huwag kayong magsisimba sa Sunday, kung boboto lang kayo ng magnanakaw”

Pipay sa mga botante: “Huwag kayong magsisimba sa Sunday, kung boboto lang kayo ng magnanakaw”

0

Tila may patama ang internet celebrity na si John Paul Joseph Santos o mas kilala bilang ‘Pipay’ sa mga botante na boboto ng diumano’y magnanakaw sa Mayo 9.

Sa kanyang tweet, ipinaalala ni Pipay na huwag ng magsimba ang mga botante kung ang iboboto lamang nila sa Lunes ay isang ‘magnanakaw’.

“Wag kayong masisimba sa Sunday kung boboto lang kayo ng magnanakaw sa Monday,” ani Pipay.

Halo naman ang reaksyon ng mga netizens sa sinabi ni Pipay.

“Anong connect? Church is for all the sinners po. Lahat tayo nagkakasala. Bakit umabot kayo ng political insights pagdating sa pagsisimba?” sabi ni netizen @jryxmae.

“What Pipay is saying is kung magsisimba ka pero pag labas mo demonyo ka pa rin at demonyo pa rin iboboto mo, better not to go to church. This only applies to people who have no intention to seek the truth at nagpapaka self righteous lang.” wika ni @lady81650623.

“This Sunday, go to church and repent. Please. Concern lang ako. Baka kinain kna ng pera at fame kaya feeling mo lahat ng kuda mo tama.” komento naman ni @daljiyongxxi.

“Medyo sumobra po kaw sa bagay n yan. Hindi po nkakatulong esp. those who’s still undecided or maybe magpalit ng candidate in a last minute. Pls try to respect kung sinong gustong iboto ng tao. And wag mamilit ng iboboto. Sa dulo tao p rin tayo and nobody’s perfect.” saad naman ni @iampreciousgale.

Kilalang tagasuporta ni Robredo ang internet celebrity na laging aktibo sa mga campaign rallies ng oposisyon.

Kamakailan lamang ay nag-viral si Pipay dahil sa VIP treatment na kanyang natatanggap sa mga rally ni Robredo.

Facebook Comments