Home Social Media Pangulong Duterte sa kanyang anak na si Baste: “Di ka marunong pumatay? Pag-aralan mo na”

Pangulong Duterte sa kanyang anak na si Baste: “Di ka marunong pumatay? Pag-aralan mo na”

0

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Davao City mayoral candidate Sebastian “Baste” Duterte na matuto ng kumitil ng buhay lalo na’t maaring siya ang magiging susunod na ama ng kanilang siyudad.

Sa talumpati ng pangulo sa miting de avance ng Hupong ng Pagbabago-Hugpong sa Tawong Lungsod, sinabi ng Pangulo na bilang isang alkalde ay kailangan katakutan si Baste ng mga masasamang loob.

“Kapag mayor ka o presidente ka at hindi takot sa ‘yo ang kriminal, wala kang silbi. Baste, di ka marunong pumatay? Simulan na. Pag-aralan mo na ngayong gabi,” wika ng pangulo.

“Kung hindi marunong o natatakot pumatay ang mayor, may problema kayo. May problema ang Pilipinas. Kung babalik ang droga, ewan ko na lang,” dagdag niya pa.

Naniniwala naman si Duterte na magiging mabuting alkalde ang kanyang anak kung sakali na ihalal ito ng mga taga Davao.

“Hindi ko na kailanman nakita nagmura ‘yan. Ano talaga ‘yan siya… Si Sebastian would be a good mayor… Kasi nakita niya na — lumaki siya sa — nakikita niya,” sabi naman ni Duterte sa panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy.

“Baste, mabait talaga ‘yan. Mabait na bata ‘yan. I hope that matulungan ninyo… Paborito kasi bunso pero mabait ‘yan. Cool,” dagdag niya pa.

Facebook Comments