Home Celebrities Ogie Diaz, ibinahagi ang pahayag noon ni Miriam Defensor-Santiago: Dapat ang ibinoboto, walang bahid ang record

Ogie Diaz, ibinahagi ang pahayag noon ni Miriam Defensor-Santiago: Dapat ang ibinoboto, walang bahid ang record

0

Inalala ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ang isa sa mga pahayag ng namayapang senador Miriam Defensor-Santiago (MDS) tungkol sa tamang pagpili ng mga kandidato.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Ogie ang quote mula sa closing statement ni MDS noong Pilipinas Debates 2016 kung saan sinabi nito na ang pagboto ay hindi dapat ibinabase sa personalidad ng kandidato kundi sa credentials nito.

Dapat daw ang ibinoboto ay ‘yung walang dumi ang record.

“This is not a personality contest. This is a show to educate Filipinos. The next president should have academic excellence, professional excellence, moral excellence. Dapat ang binoboto natin, walang bahid sa kanyang record.” wika ng senadora.

Si Ogie ay isang masugid na tagasuporta ni presidential candidate Leni Robredo na kasalukuyang pumapangalawa ngayon sa mga survey.

Bago pumanaw ay tumakbo pa si MDS sa pagkapangulo at ang pinili nitong ka-tandem ay ang tumatakbo ngayon sa pagkapresidente na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kung nanalo pa nga ito at pumanaw ay kumpiyansa siya na magiging mabuting pangulo si Marcos.

“If I die before I finish my six-year term, Sen. Ferdinand Marcos Jr. will be able to fit that bill,” ani MDS.

Facebook Comments