Home Social Media Isa pang anak ni Loren Legarda, pinuri naman ang kanyang ina: “I have never been more proud of my mom”

Isa pang anak ni Loren Legarda, pinuri naman ang kanyang ina: “I have never been more proud of my mom”

0

Isa pang anak ni senatorial candidate Loren Legarda ang pinuri ang kanyang ina.

Ito’y sa gitna ng pambabatikos ni Lorenzo Legarda Leviste dahil sa pagpanig ng kanyang ina sa UniTeam.

Sa kanyang Op-Ed sa Philippine Star, ibinahagi ni Leandro Legarda Leviste ang kanyang paghanga sa kanyang ina na tinawag niyang “exemplary public servant” at “role model” para sa mga kabataan.

Ibinahagi din ni Leandro ang mga achievements ng kanyang ina katulad na lamang ng pagiging author nito ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000, the Philippine Tropical Fabrics Law of 2004, at Climate Change Act of 2008.

Sinabi rin nito na kahit na isa siyang single mom ay nauna niya parin ang kanyang pamilya kahit na ito ay abala sa pagiging public servant.

Kwento ni Leandro ay kahit na nagpa-plano ang kanyang ina na tumakbo sa pagkabise presidente nitong 2010 ay inuna niya parin na dalhin ang kanyang anak sa ospital dahil sa pagkakaroon nito ng sakit.

“It’s amazing how my mom can care for so many people so efficiently amid all her work. These are just among the countless examples of how she puts others before herself. I consider it as the greatest privilege to have had so much of my mom’s time growing up, and see it as the least I can do as a son to burden her as little as possible so she can devote as much time as she can to help others.” wika ni Leandro.

READ MORE: Why I am so proud of my mom

Matatandaan na nitong nakaraang araw lamang ay binatikos naman ni Lorenzo si Loren at itinakwil ito.

“For weeks I have been paralyzed in pain. But I have no choice but to publicly declare that I am absolutely disgusted by my mother and what she has decided to do. it sickens me and makes me want to die,” sabi ng panganay ng kongresista.

Facebook Comments