Home Celebrities Gladys Reyes na miyembro ng INC, itinanggi na isa siyang Kakampink

Gladys Reyes na miyembro ng INC, itinanggi na isa siyang Kakampink

0

Mariing itinanggi ng aktres at miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Gladys Reyes na isa siyang tagasuporta ni presidential candidate Leni Robredo matapos kumalat ang larawan niya na nakasoot ng kulay pink.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Gladys na susunod siya sa desisyon ng INC na sinusuportahan ngayon ang kandidatura ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte.

Matatandaan na kumalat ang larawan ng aktres na may soot na pink dress kaya’t akala ng mga netizens ay parte ito ng #KakampINC o ‘yung mga miyembro diumano ng Iglesia ni Cristo na hindi susundin ang endorso ng religious grou.

Ngunit ayon kay Gladys, nagsoot lamang siya ng pink bilang parte ng Mothers Day Celebration.

“Ako po at ang buo naming pamilya ay mananatiling kaisa ng aming pamamahala sa loob ng Iglesia ni Cristo at patuloy na ipatutupad ang kaisahan,” wika ni Gladys.

“Ito po ay ipinatutupad sa loob ng Iglesia sa simula’t simula pa lamang. Huwag din po sana lagyan ng kahulugan ang kulay ng aking kasuotan noong nakaraan, dahil ‘yun lamang ang color motif para sa Mothers Day Special na aming gianwa at wala na pong ibang ibig sabihin,” dagdag niya pa.

“Patuloy pong maninindigan sa aking pananampalataya, dumating man ang pag-uusig, di magpapatinag. Higit sa lahat, sana ay manaig ang respeto at pang-unawa sa isa’t isa,magkaiba man ng pananaw ang iba.”

Maliban kay Gladys ay pumalag din si Jaclyn Jose na miyembro din ng INC sa mga pambabatikos ng mga netizens sa kanilang religious group.

READ MORE: Celebrity INC member na si Jaclyn Jose nasaktan sa komento ng netizens: “Sana wala namang sakitan ng Religion”

 

Facebook Comments