Home Social Media Estudyante ng University of Antique, tinapos ang sariling buhay matapos makipagtalo sa Kakampink

Estudyante ng University of Antique, tinapos ang sariling buhay matapos makipagtalo sa Kakampink

0

Isang estudyante ang naging biktima ng ‘toxic’ na campaign period ngayong halalan 2022.

Pumanaw sa edad na 23 ang Computer Science student na si Frederick Mark Bico Alba matapos nitong batikusin ng isang kakilala niya na tagasuporta ni presidential candidate Leni Robredo.

Sa mga huling post nito ay makikita ang paglalabas ng sama ng loob ni Alba sa mga kakilala niya na binabatikos ang kanyang pagsuporta kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ipinagtanggol din nito si Antique Rep. Loren Legarda na ngayon ay tumatakbo bilang senatorial candidate ng UniTeam dahil sa ito ang nagbigay sa kanya ng scholarship para makapag-aral.

“Someone commented on my status about Loren Legarda. Yes we admit that Loren are part of Uniteam pero hindi ‘yun dahilan para hindi iboto si Senator Loren Legarda!” sabi ni Alba sa isa sa mga huli niyang Facebook post.

“Please vote for Loren Legarda,” dagdag niya pa.

280028080 172396945216669 9216148508037356285 n
Frederick Mark Bico Alba sa UniTeam rally

Makikita rin sa ilang screenshot na kumakalat sa social media na may isang kaibigan si Alba na nakipagtalo sa kanya tungkol sa kanyang pagsuporta kay Marcos.

Sa ngayon ay naka-deactivate na ang Facebook account ng nasabing netizen.

280041931 172396708550026 7734461330010600084 n 280185848 172396771883353 463707807523626210 n

Ayon naman sa pahayag ng San Jose Municipal Police Station PSsgt. Albert Talidong ay matagal na daw dumaranas ng depresyon si Alba dahil sa kanyang pag-aaral at sa finances.

Hindi naman daw napansin ng pamilya ng binata ang problema na dinadamdam nito.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang magulang ni Alba sa nangyari sa binata.

Kung ikaw ay nakakaranas ng depresyon o anxiety dahil sa iyong mga problema sa buhay, maaring tawagan ang National Center for Mental Health Crisis sa mga numerong ito:

Globe/TM 09663514518 at 09178998727 o Smart/Sun/TNT 09086392672.

 

Facebook Comments