Home Netizen's Voice Kakampink na binatikos ang Iglesia ni Cristo dahil sa pagsuporta sa “magnanakaw” humingi ng sorry: “I’ve gone too far”

Kakampink na binatikos ang Iglesia ni Cristo dahil sa pagsuporta sa “magnanakaw” humingi ng sorry: “I’ve gone too far”

0

Humingi ng paumanhin ang isang tagasuporta ni presidential candidate Leni Robredo matapos nitong akusahan ang religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) na diumano’y sumusuporta sa magnanakaw.

Sa kanyang post, binatikos ni Gener Laserna ang desisyon ng INC at nagbiro pa ito tungkol sa ‘dinuguan’ na mahigpit na ipinagbabawal kainin ng mga miyembro ng nasabing religious group.

“Yung bawal ka daw kumain ng dinuguan pero pwede ka sumuporta sa magnanakaw.” ani Geener.

“Religious group pero nag endorso ng magnanakaw,” dagdag niya pa.

Inulan ng batikos si Laserna sa social media kaya naman humingi ito ng paumanhin dahil sa ginawa niyang hindi pagpapakita ng respeto sa paniniwala ng iba.

Inamin nito na mayroon siyang mga kamag-anak at kaibigan na miyembro din ng INC.

“In relation to my insensitive post yesterday, I believe every INC members deserves my sincerest apology,” paumpisa ni Laserna. “I know I’ve gone too far for mocking your religious beliefs and your united stand for this coming election,” 

“I should have known better and never committed such insensitive words.. I myself have family and friends from INC as well and I should have considered everyone else’s feelings. I am very sorry if I offended you personally in any way.” dagdag niya pa.

Humingi rin ito ng paumanhin sa mga tagasuporta ni Robredo na miyembro ng nasabing religious group.

“I promise not to commit the same mistake in the past. I know I’m not deserving of your forgiveness for the damage has already been done but I just wanted to say sorry because you deserve my apology,” sabi pa ng netizen.

Wala pang pahayag ang INC kung ano ang maaring maging aksyon nila sa post ng netizen.

Matatandaan na nagpahayag ng suporta ang INC sa tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte na mahigpit na katunggali ngayon ni Robredo sa eleksyon.

Facebook Comments