Home Celebrities Jennylyn Mercado, iboboto daw si Robredo para sa future ng kanyang anak: “Gusto ko maranasan niya ang buhay tapat at may dangal.”

Jennylyn Mercado, iboboto daw si Robredo para sa future ng kanyang anak: “Gusto ko maranasan niya ang buhay tapat at may dangal.”

0

Ibinahagi ni Jennylyn Mercado ang kanyang pagsuporta kay presidential candidate Leni Robredo at ang dahilan kung bakit gustong gusto niyang maging susunod itong pangulo.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Jennylyn ang sayang nararamdaman niya sa pagdating ng anak nila ng aktor na si Dennis Trillo.

“Iba yung saya na nararamdaman namin sa pagdating ni baby “D” pero nariyan din siyempre ang kaba at pag-aalala para sa kanya. Aaminin ko stressful para sa akin ang nangyayari sa bansa natin ngayon kaya pinili ko manahimik muna at magfocus sa aking pagbubuntis.” ani Jennylyn.

Ginamit niya rin ang pagkakataon na i-endorso si Robredo na tinawag niyang “ultimate survivor” habang ibinabahagi ang larawan ng kanyang anak.

“Gusto ko mabuhay siya sa lipunang malaya, ligtas, at puno ng pagmamahal. Gusto ko maranasan niya ang buhay tapat at may dangal.

“Gusto ko manirahan siya sa bansang umiiral ang katarungan, iginagalang ang karapatan ng bawat tao, at pinapangalagaan ang kalikasan pati na ang mga hayop.

“Gusto ko lumaki ang anak ko na ang future bessies niya sa LGBTQIA+ community ay malayang tumatamasa ng pantay na karapatan sa mata ng batas.

“At higit sa lahat, gusto ko mamuhay siya na walang takot at pangamba dahil nirerespeto siya bilang isang babae. Iginagalang, kinikilala ang kakayahan, hindi nililimitahan, at hindi binabastos.

“Kaya sa darating na may 9, iboto natin ang pangulo na ultimate survivor din tulad ko— si Vice President Leni Robredo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)

Ikinatuwa naman ng kanyang mga kasamahan sa showbiz ang naging mensahe ni Jennylyn.

Ilan sa mga nagcomment ay sina Angel Locsin, Kim Molina, John Prats, Sheena Halili atbp.

 

Facebook Comments