Home Celebrities Celebrity INC member na si Jaclyn Jose nasaktan sa komento ng netizens: “Sana wala namang sakitan ng Religion”

Celebrity INC member na si Jaclyn Jose nasaktan sa komento ng netizens: “Sana wala namang sakitan ng Religion”

0

Hindi na nakapagtimpi pa ang award-winning actress na si Jaclyn Jose matapos ulanin ng batikos ang kanyang kinaaaniban na religious group na Iglesia ni Cristo (INC).

Matatandaan na binatikos ang INC matapos nitong i-anunsyo na ang tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte ang kanilang susuportahan sa darating na halalan.

Isa si Jaclyn sa mga nasaktan sa mga pambabatikos na natanggap ng INC na tinawag pang ‘kulto’ ng ilang netizens sa Twitter.

Nakiusap ang aktres na sana’y huwag ng batikusin pa ang INC dahil sa kanilang naging desisyon.

Ipinaliwanag din nito na sinusunod nila ang endorso ng INC tuwing eleksyon sa kanilang iboboto dahil ito daw ang pagpapakita nila ng pagkakaisa.

READ MORE: Mga Kakampink, tinawag na ‘kulto’ ang Iglesia ni Cristo matapos suportahan ng religious group ang tambalang BBM-Sara

“I just want to defend our vote, watching a channel na parang di na maganda sinasabi sa INC. Na para bang nasa 10 commandments na at foul na talaga. Pasensya na po, nasasaktan lang..” ani Jaclyn. “Ganun po talaga kami.. Sobra na po.. Sana wala naman sakitan ng Religion.

“Wala po ako sa posisyon mag salita may mga leader po kami na makakapagpaliwanag.. Ganun po talaga kami mga miyembro nagkakaisa, wala na po kayo magagawa. Ang respeto namin ay nasa aming pagkakaisa bilang Iglesia.. Sorry po, may malalim po kami pag uunawa ukol sa mga bagay na ito, salamat po,” dagdag niya pa.

Umaasa naman ang aktres na sana’y hindi masamain ng kanyang mga kaibigan at followers ang kanyang sinabi.

“Nagsasalita po bilang Iglesia ni Cristo member ..wag masamain iba po ang utang ko at pasasalamat bilang artista..salamat po..God Bless Us All..safe halalan kung sino manalo respeto po ang aasahan nio sa akin.” wika ni Jaclyn.

Isa ang aktres sa mga masugid na tagasuporta ni Marcos kahit na noong wala pang endorso ang INC.

Facebook Comments