Home Celebrities Andrea Brillantes sa boyfriend na si Ricci Rivero: “Iboto mo si Leni kung hindi…”

Andrea Brillantes sa boyfriend na si Ricci Rivero: “Iboto mo si Leni kung hindi…”

0

Ibinahagi ni Andrea Brillantes sa kanyang TikTok video ang kanyang paghanga kay presidential candidate Leni Robredo.

Sa nasabing video, ipinaliwanag ni Andrea kung bakit si Robredo ang kanyang pinili at hinimok ang kanyang mga fans na suportahan din ang kandidato na kanyang hinahangaan.

Nagbigay din ito ng kanyang mensahe sa boyfriend na si University of the Philippines (UP) Fighting Maroons guard Ricci Rivero na isang kilalang tagasuporta ng katunggali ni Robredo na si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Sigurado na ‘ko kay Leni pero alam ko naman na yung iba, undecided pa, o may ibang sinusuportahan. Alam ko na yan, yung isa nga sinagot ko pa e. Naku, naku, naku, naku. Bebe kong napapanood mo to, iboto mo si Leni kung hindi…” ani Andrea.

“Charot lang. Hindi ako diktador. Daanin natin sa maayos na pakiusap. O kayong may mga jowa, alam mo niyo na ang gagawin niyo ha,” dagdag naman nito.

@blythe Paano nga ba magmahal? #IpanaloNa10toParaSaLahat #LeniKikoAllTheWay #fyp #trending #election2022 #LeniRobredo ♬ Music In Your Heart (Instrumental) – BLVKSHP

Matatandaan na ibinunyag ni Andrea na sinusubukan niyang kumbinsihin si Ricci na maging miyembro ng Kakampink.

Ayon sa kanya ay mahal niya si Ricci kaya’t gusto niyang maging Kakampink ito.

READ MORE: Andrea Brillantes, susubukang gawing ‘Kakampink’ ang nobyong si Ricci Rivero na isang supporter ni BBM

“Alam niyo ba kung bakit gusto kong i-convert lahat ng kakilala at mahal ko para kay Leni? Kasi ang pagsuporta ko kay Leni, proof yon ng pagmamahal ko sa kanila. Kasi kung mahal mo ang isang tao, pamilya man, kaibigan o jowa, gusto mo malaya siya. Malayang mangarap at malayang tuparin ang mga pangarap niya,” wika ng aktres.

Hindi naman malaman kung susunod ba si Ricci sa kagustuhan ng kanyang nobya.

Facebook Comments