Home Celebrities Mga nasa likod ng vlog na ‘Tukomi’ makakasuhan ng Commission on Muslim Filipinos dahil sa kanilang ‘arabo prank’

Mga nasa likod ng vlog na ‘Tukomi’ makakasuhan ng Commission on Muslim Filipinos dahil sa kanilang ‘arabo prank’

0

Balak magsampa ng kaso ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) laban sa mga nasa likod ng kilalang prank vlog na ‘Tukomi’ dahil sa kanilang ibinahaging video kung saan nagpanggap sila na isang Muslim.

Sa video na may title na “Maghagis ng itim na Bag ng Naka pang Arabo” ay makikita ang mga prankster na nanghahagis ng itim na bag sa kanilang mga pina-prank.

Hindi naman ito nagustuhan ng NCMF at tinawag itong ‘insensitive’ dahil sa tila binibigyan ng nasabing content creator ng masamang imahe ang mga Muslim.

“The National Commission on Muslim Filipinos has been notified about this incident. We have forwarded the information to our Bureau of Legal Affairs for the next steps in addressing the issue, particularly in determining the cases that may be filed against these individuals.” sabi ng NCMF sa kanilang pahayag.

“Meanwhile, we appeal to the public to refrain from spreading the video, and to avoid further engagements with the content creators.” dagdag pa nila.

Humingi naman ng paumanhin ang Tukomi sa kanilang nagawang prank.

“Humihingi kami ng paumanhin sa lahat ng mga na offend na mga kapatid nating Muslim. We will address the issue regarding sa kumakalat tungkol sa recent comment trolling prank episode natin.
Muli kami’y humihingi ng patawad sa mga kapatid nating Muslim.” sabi ng grupo.

Hindi naman naiwasan ng mga netizens na batikusin ang Tukomi dahil sa kanilang prank.

“Huhu wag na sana natin gayahin ang prank sa ibang bansa dahil mag kaiba dito masasktan talaga mga kapatid na muslim sa ginawa nyo dahil papangett ang tinginn sakanila baka mamaya kayo ma jaill prankk nyan with inmates public apology na my 2nd chance pa,” sabi ni Jhon Henrics Milan.

“Hindi pwede sorry lang yan dapat ikulong yan at mag file ng kaso para sa kanila hindi magandang bero yang ginagawa nila., di na sila mga bata pa na kaylangan pang pagsabihan. Patikimin nyo ng rehas yan para madala.” wika ni Rhon Mamansal.

“#NationalComissionOnMuslimFilipinos ituloy niyo ang kaso ..huwag kayong papayag sa isang sorry lanh nila para mataohan sila , kelangan nilang turuan ng leksyon,” pakiuusap naman ni Eman Manalo.

Facebook Comments