Home Social Media Pangulong Duterte, itinigil na ang online sabong dahil sa masamang epekto nito sa mga Pilipino

Pangulong Duterte, itinigil na ang online sabong dahil sa masamang epekto nito sa mga Pilipino

0

Nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na muna ang operasyon ng online sabong matapos ang rekomendasyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Ano dahil sa masamang epektong naidudulot nito sa mga Pilipino.

Sa kanyang taped address na inilabas nitong Mayo 3, sinabi ni Duterte na pinakumpirma niya muna ang mga report tungkol sa mga krimen na nangyayari dahil sa pagkalulong ng ilan dahil sa online sabong.

Ilang pamilya narin daw ang naapektuhan at nasisira dahil sa pagkalulong sa online sabong na halos 24 oras na maaring tumaya ang mga parokyano nito.

“So ginawa ni secretary yung trabaho niya and he reported, validated ‘yung naririnig ko… May naririnig na ako loud and very clear to me — it is working against our values. ‘Yung impact sa pamilya at sa tao, ang labas, hindi na natutulog yung mga sabungero 24 hours,” ani Duterte.

“The recommendation of Secretary Año is do away with e-sabong. He cited the validation report coming from all sources. It’s his recommendation and I agree with it. It is good. So e-sabong will end by tonight. Bukas, lalabas ito bukas,” dagdag niya pa.

Matatandaan na pinangunahan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang panawagan na itigil na muna ang operasyon ng online sabong dahil sa mga masasamang nangyayari sa mga nalululong dito.

Si Dela Rosa ang nag iimbestiga sa mahigit 30 sabungero na nawawala na diumano’y konektado sa online sabong.

READ MORE: Sen. Bato dela Rosa, balak imbestigahan ang online sabong: “E-Sabong has ruined the lives of some Filipinos”

May ilang ulat din kung saan umabot pa sa punto na naibenta ng isang sabungero ang kanyang sariling anak upang matustusan lamang ang bisyo niya.

READ MORE: Babae ibinenta ang kanyang sariling anak para may maitustos sa online sabong

Hiniling ni Dela Rosa noon kay Duterte na itigil na ang operasyon ng e-sabong ngunit hindi ito agad pinagbigyan ng Pangulo dahil sa daan daang milyong piso daw ang naibibigay ng nasabing sugal sa gobyerno kada buwan.

Wala pang pahayag ang mga may-ari ng e-sabong firm katulad ni Charlie “Atong” Ang tungkol sa isyu.

Facebook Comments