Home Netizen's Voice Mga Kakampink, tinawag na ‘kulto’ ang Iglesia ni Cristo matapos suportahan ng religious group ang tambalang BBM-Sara

Mga Kakampink, tinawag na ‘kulto’ ang Iglesia ni Cristo matapos suportahan ng religious group ang tambalang BBM-Sara

0

Inulan ng batikos sa Twitter ang Iglesia ni Cristo (INC) matapos ipahayag ng isa sa mga pinakamalaking religious group sa Pilipinas ang kanilang pag-endorso sa tambalan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte.

Nag trending sa Twitter ang “Iglesia” at ang “KakampINC” kung saan karamihan ng mga Twitter user ay binatikos ang desisyon ng religious group.

Ilan pa sa mga Kakampinc ay tinawag na “kulto” ang religious group dahil diumano sa mali nilang pagpili sa kanilang i-endorsong kandidato.

Eto ang ilan sa kanilang mga komento:

Hindi naman lahat ng Twitter user ay nagustuhan ang asal ng kanilang mga kasamahan sa nasabing social media platform.

“Minutes after the announcement ng INC biglang Mga kulto, irresponsable, ang liit lang naman ng INC… waw ha ngayon maypa #kakampINC kung ako INC tapos ginanyan simbahan ko jusko sinaraan nanga ang doctrina ng simbahan tapos sasanib pa ako dun sa ng sira nakakadri kayo!!!” sabi ni @KloudDuterte.

Isang tagasuporta naman ni Robredo ang naglabas ng sama ng loob sa kanyang mga kapwa Kakampink dahil sa mga pinagsasabi nila laban sa INC.

“My family and I belong to the INC but are also #KakampINC. My wife, 2 children and their spouses are voting Leni-Kiko and Tropang Angat. Request sa mga Kakampinks, pls do not label INC as kulto. We are better than this!” sabi ni @notscorsaguin.

Aabot sa tatlong milyon ang miyembro ng INC sa Pilipinas at ang endorso na natanggap ng tambalang BBM-Sara ay malaking dagdag sa kanilang tsansa na manalo ngayong darating na halalan.

Kaya naman maraming presidential candidate ang umasa na mabibigyan sila ng endorso mula sa INC.

Facebook Comments