Umaasa parin si presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno na siya ang pipiliin na i-endorso ng Iglesia ni Cristo (INC) sa darating na halalan.
Sa panayam sa kanya sa Lingayen, Pangasinan, inamin ni Moreno na kailangan niya ang lahat ng tulong para manalo sa eleksyon kasama na dito ang endorso ng INC na maaring magbigay sa kanya ng karagdagang milyon na boto.
“Every vote of yours is important… Every single vote when you add up is a lot. So, all kinds of help is needed,” ani Moreno.
Inamin din ng alkalde na lagi siyang humihingi ng tulong sa INC at nagkikipag usap sa kanila.
“I always ask for the help of Iglesia ni Kristo. I always write. I ask for the help of our brethren in the Church, the general manager. Everyone I ask for help because I need help. But for now, let’s work together. What is our common denominator first,” sabi pa ng alkalde.
Hindi naman nakalimutan ni Moreno ang malaking tulong na naibigay sa kanya ng INC noong siya ay tumatakbo bilang alkalde ng Maynila.
“I’m always grateful to those people who are helping us and we don’t forget those people who are with us on the way up because these are the same people that we are going to meet on the way down because principle of gravity will be applied to everybody. Anything that goes up must come down,” wika ni Moreno.
Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng anunsyo ang INC kung sino ang susuportahan nilang mga kandidato.
Isang report naman ang lumabas na ang tambalan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte ang susuportahan ng religious group.