Hindi napigilan ng ilang nagpakilalang miyembro ng Iglesia ni Cristo ang maglabas ng sama ng loob sa religious group sa posibilidad na ang tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte ang i-endorso ng religious group.
Sa ilang kumakalat na comment sa Twitter, mababasa ang mga komento ng mga nagpakilalang Twitter user na nagbanta na hihiwalay na sila sa Iglesia ni Cristo.
“Titiwalag ako sa Iglesia at sampu na ankan namin if eindorse ng pangasiwaan si BBM. At hindi naman kami kawalan sa kanila ang importante na nindingan ako sa tamang iboboto.” sabi ni @janlie48.
Titiwalag ako sa Iglesia at sampu na ankan namin if eindorse ng pangasiwaan si BBM. At hindi naman kami kawalan sa kanila ang importante na nindingan ako sa tamang iboboto.
— Janlie (@janlie48) April 27, 2022
“Yuck. inc for bbm. titiwalag na talaga ko teh charot,” wika naman ni @vsintomina.
“Titiwalag na ako sa local namen balik katoliko na ulet bye INC,” tweet naman ni @albert06557979.
Pero may ilang netizen din naman na miyembro ng INC na hindi nagbabalak na tumiwalag kung sakali na i-endorso nila si Marcos at Duterte.
“I may like another candidate na hindi iboboto ng INC, pero hindi ako titiwalag dahil lang sa reason na yan. If you know someone, then hindi sya totoong naniniwala sa teachings ng INC.” komento naman ni @memettss.
Matatandaan na nitong Mayo 2 ay lumabas ang isang report kung saan ay ang tambalang BBM-Sara na ang napili ng pamunuan ng INC para i-endorso sa darating na halalan.
May sampu din diumanong senatorial candidates na dadalhin ng INC.
Hindi pa ito kinukumpirma ng INC.