Home Celebrities Lolit Solis, tinawag na “cheap” ang mga pahayag ni Pokwang laban sa mga kritiko ni Robredo: “Hindi na kailangan mang away ka”

Lolit Solis, tinawag na “cheap” ang mga pahayag ni Pokwang laban sa mga kritiko ni Robredo: “Hindi na kailangan mang away ka”

0

Tinawag na “cheap” ng talent manager at entertainment columnist na si Lolit Solis ang mga banat ni Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang sa kanyang mga kasamahan sa showbusiness at sa mga netizens.

Matatandaan na masugid na tagasuporta si Pokwang ni presidential candidate Leni Robredo kaya naman game na game ito sa pakikipagtalo sa mga netizens at kasamahan niya sa showbiz na iba ang sinusuportahang kandidato.

Nitong nakaraan lamang ay binanatan nito ang kapwa niya Kapuso na si Radu Peru at aktor na si DJ Durano dahil sa pagbanat ni Pokwang sa mga “trolls”.

READ MORE: Pokwang, inaway ang kasamahan sa Kapuso na si Rado Peru at DJ Durano: “Pwede kita idemanda!”

Ayon kay Lolit ay hindi magandang tignan ang mga pinagsasabi ni Pokwang sa social media/

“Iyon talakan nila Pokwang, direk Rado tungkol sa suportado nilang kandidato Salve parang cheap ang dating. Pati comparison sa kanila ni AiAi de las Alas parang hindi rin maganda. So magka iba ang gusto nilang Presidente, walang problema.” ani Lolit.

“Wala naman masama ipaglaban mo ang manok mo, okey lang. Pero iyon nag OA ka sa reaction hindi maganda. Basta kung nasaan ang simpatiya mo duon ka, hindi na kailangan mang away ka. Basta may paniwala ka sa tao na suportado mo, tama lang iyon. Stick with what you believe, and go. Wala ng away pa,” dagdag pa niya.

Ipinagtanggol din nito si AiAi na isang tagasuporta ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Hindi pala away si AiAi de las Alas, very friendly at sweet na tak, kaya dapat lang maging friendly din si Pokwang sa kanya. Baka mas marami mahakot na boto si AiAi matalbugan ang kandidato ni Pokwang, di ba ? Kaya hinay hinay lang, or else, mawala ang followers, sayang boto,” sabi pa ng batikang kolumnista.

Hindi pa tumutugon si Pokwang sa opinyon ni Lolit.

Facebook Comments