Home Celebrities Kongresista na nagsampa ng P1-B libel case kay Enchong Dee, may tanong sa publiko: ““Gusto niyo ba pasayawin natin siya dito?”

Kongresista na nagsampa ng P1-B libel case kay Enchong Dee, may tanong sa publiko: ““Gusto niyo ba pasayawin natin siya dito?”

0

Sa pambihirang pagkakataon ay nagsalita si Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) partylist representative Claudine Bautista-Lim tungkol sa aktor na si Enchong Dee sa ginanap na rally nila sa Davao City nitong Mayo 1, 2022.

Sa kanyang talumpati, tila pabirong binanggit ni Bautista-Lim si Enchong na matatandaang pinagbabayad niya ng isang bilyong piso dahil sa pag-aakusa ng aktor sa kongresista ng paggamit sa pera ng publiko para sa kanyang magarbong kasal sa Balesin Island.

Ayon kasi kay Bautista-Lim ay naapektuhan ang kanyang pagbubuntis at muntikan pang malaglagan dahil sa ginawa ni Enchong sa kanya.

READ MORE: Enchong Dee idinemanda, pinagbabayad ng isang bilyong piso ng mambabatas na binatikos niya noon dahil sa kasal nito.

Pero sa rally ay tila hindi na masyadong dinadamdam ng kongresista ang ginawa sa kanya ng aktor dahil tinanong pa nito ang mga tagasuporta niya kung gusto ba nilang makita si Enchong na sumayaw sa rally ng DUMPER partylist.

Sinubukan daw kasi siyang kausapin ni Enchong sa gitna ng pagsasampa niya ng kaso.

“Gusto niyo ba pasayawin natin siya dito?” tanong ni Bautista na agad naman sinagot ng mga manonood ng “dili” o “hindi” sa tagalog.

“Ayaw n’yo? Ayaw ninyong patawarin? Kayo ang nagsabi niyan, ha?” dagdag pa ng mambabatas.

Agad namang pinutol ni Bautista-Lim ang pagbanggit sa aktor at nag umpisa na itong ilatag ang mga plataporma ng DUMPER.

Hindi naman malinaw kung handa na nga bang patawarin ni Bautista-Lim si Enchong na hanggang ngayon ay kinakaharap parin ang kaso laban sa kanya.

Sa ngayon ay nakapagpiyansa na ang aktor matapos itong magbayad ng P48,000 habang dinidinig ang dapat nga bang pagbayarin ng isang bilyong piso ang aktor.

 

Facebook Comments