Home Social Media Karen Davila binatikos ang mga tumestigo laban kay De Lima: “Takot ka sa Presidente, pero hindi ka takot sa Diyos?”

Karen Davila binatikos ang mga tumestigo laban kay De Lima: “Takot ka sa Presidente, pero hindi ka takot sa Diyos?”

0

Hindi naitago ng mamamahayag na si Karen Davila ang kanyang pagkadismaya sa mga tumestigo laban kay Sen. Leila de Lima na ngayon ay binabawi na ang kanilang mga testimonya.

Matatandaan na binawi na ng self-confessed druglord Kerwin Espinosa at ni Bureau of Corrections OIC at star witness na si Rafael Ragos ang kanyang mga sinabi laban kay De Lima.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Davila na dapat managot sa batas ang mga nagsinungaling para mailagay sa pagkakabilanggo si De Lima.

“This is tragic! Shouldn’t Ragos be held accountable for LYING and giving false testimony? This is an abuse of the powers and resources of government. And if it is true former SOJ Aguirre coerced him shouldn’t cases be filed against him?” ani Davila.

Tinanong din ni Davila kung maari na nga bang ibasura ang kaso laban kay De Lima lalo na’t binawi na ng ilang testigo ang kanilang testimonya laban sa senadora.

“With Kerwin Espinosa and former NBI official Ragos recanting their statements – isn’t this enough for Sen Leila De Lima’s cases to be dismissed? What shame for Ragos not to have been able to stand up to pressure then. But – it is never too late to do the right thing.” wika niya pa.

Ayon kay Karen Davila ay limang taon ang nawala sa isang tao dahil sa pagsisinungaling ng mga testigo kaya naman sa huli ay may tanong muli ang mamamahayag.

 “Isipin n’yo. Nagsinungaling ka at dahil dito – nakulong ang isang tao ng 5 taon. All those years lost. Takot ka sa Presidente o sa boss mo, pero hindi ka takot sa Diyos?” saad ni Davila.

Matatandaan na ilang indibidwal, kasama na si presidential candidate Leni Robredo ang hiniling na mapalaya na si De Lima dahil sa pagbawi ni Ragos at Espinosa ng kanilang mga testimonya.

“Patunay lang ito ng katotohanang matagal ko nang iginigiit: Walang kaso laban kay Sen Leila de Lima. Ang tanging kasalanan niya ay ang magsabi ng totoo at ipagtanggol ang karapatan ng mga kapwa natin Pilipino,” ani Robredo.

 

Facebook Comments