Home Netizen's Voice Jesus for Leni? Video ng isang lalaki na nagdamit na parang si Hesu Kristo, inulan ng batikos online

Jesus for Leni? Video ng isang lalaki na nagdamit na parang si Hesu Kristo, inulan ng batikos online

0

Nabalot ng kontrobersiya ang isang rally ni presidential candidate Leni Robredo matapos kumalat ang isang video kung saan makikita ang isang grupo ng mga Kakampink na nagpapakuha ng litrato sa isang lalaki na nagdamit Hesukrito.

Sa video na ibinahagi ni Dasmariñas City councilor Kiko Barzaga, makikita ang lalaki na bigla na lamang nag ‘dirty finger’ habang nakikipag-selfie siya sa ilang mga tagasuporta ni Robredo.

Kahit ang mismong kumukuha ng video ay nagulat dahil narin sa ginawa ng lalaki.

Inulan ito ng batikos online at kahit mga tagasuporta ni Robredo ay hindi nagustuhan ang ginawang ito ng lalaki.

“Leni po akoo pero ano tooo,” sabi ni Gladys Gonzales.

“Yan po mga kabataan ngayon. Nakakalungkot lang na cla ang pag asa ng bayan. Pero bakit gnyan n ang mga ugali nila. Sumobra naman ata cla sa talino kaya ang ugali nila ganyan. Tsk tsk tsk tsk.” wika ni Do Ri Na.

“Wag naman sana itolerate ng mga namumuno sa mga supporters yung ganyan,proud pa silang i upload sa socmed yan…nakaka awa..lalo na mga magulang ng mga to mas nakaka awa at nagiging ganyan ang mga anak anak nila.hays.patawarin.” komento naman ni Maica Gabayan.

“Lupit ng mga kabataan ngayon. Basta kung ano maisip gagawin kahit hindi na tama. Kaya dapat talaga hindi manalo tong si leni eh. Pati mga kabataan nawawala na sa hulog. Ok lang maging cool kids pero hindi dapat lutang ang pagiging cool.” banat naman ni Edil Aviso.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni Robredo sa ipinakitang asal ng kanilang mga tagasuporta.

Facebook Comments