Home Celebrities Isa sa mga Darna na titindig sa rally ni Leni Robredo, hindi pala si Marian Rivera kundi si Sharon Cuneta

Isa sa mga Darna na titindig sa rally ni Leni Robredo, hindi pala si Marian Rivera kundi si Sharon Cuneta

0

Ilang netizens ang hindi naiwasan mag biro matapos ibunyag ng grupo ng mga tagasuporta ni presidential candidate Leni Robredo kung sino ang dalawang “Darna” na pupunta sa Kakampink rally na ginanap sa Dasmarinas Football Field nitong Mayo 1.

Sa larawan kasi na ibinahagi ng Caviteños for Leni, makikita ang isang silhouette ni Darna na pupunta daw sa rally ni Robredo.

“Iba ka Cavite! Dalawang Darna pa ang pupunta! ABANGAN!!!” sabi ng grupo.

Maraming netizen ang sinabing siguradong na ang isa sa mga Darna na pupunta ay si Angel Locsin na gumanap sa nasabing role noong 2005 sa GMA Network.

May ilan naman ang sinubukan hulaan kung sino ang ikalawang Darna na dadalo at ang inakala nila ay ito ay si Marian Rivera na gumanap naman sa nasabing superhero role noong 2009 sa kaparehong istasyon.

“Baka si marian taga cavite sya. At Ang Isa baka si latest Darna, kakampink sya,” sabi ng isang netizen.

Ngunit ng nangyari na ang rally ay ibinunyag na ng grupo na hindi si Marian ang pupunta kundi si Megastar Sharon Cuneta.

Gumanap si Sharon bilang Darna sa pelikulang Captain Barbell na pinagbidahan ni Edu Manzano.

May ilan naman na nagbiro dahil sa mali ang hula nila tungkol sa darating na Darna sa Cavite.

“Nyek wala pala si Marian.” sabi ni @rejforLeniKiko.

“SHUTA KAYO MGA BEH AKALA KO BA SI MISS MARIAN,” ani @drace_jeremy.

Pero may ilan na tila dinibdib talaga ang hindi pagdalo ni Marian sa Dasma rally.

“Kaya hindi na talaga ako naniniwala sa mga paandar dito sa twitter. Misleading parati.” sabi ni @iamlorr.

Facebook Comments