Home Politics Iglesia Ni Cristo, nakatakdang i-endorso ang tambalan ni Bongbong Marcos at Sara Duterte ayon sa isang report

Iglesia Ni Cristo, nakatakdang i-endorso ang tambalan ni Bongbong Marcos at Sara Duterte ayon sa isang report

0

Nakatakdang iendorso ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang tambalan nila Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte ayon sa isang report.

Ayon sa report ng online website Politiko, ang nangungunang tambalan sa mga survey ang siya ring susuportahan ng isa sa mga pinakamalaking religious group sa bansa.

Ibinahagi din ng Politiko ang mga senatoriables na susuportahan ng INC.

Ito ay sina:

1. Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri
2. Sen. Joel Villanueva
3. Sen. Sherwin Gatchalian
4. Sorsogon Governor Francis Escudero
5. Antique Rep. Loren Legarda
6. Dating Public Works Secretary Mark Villar
7. Taguig Rep. Alan Peter Cayetano
8. Dating Vice President Jejomar Binay
9. Dating Sen. JV Ejercito
10. Dating Sen. Jinggoy Estrada

Ilang miyembro naman ng INC ang nagbigay ng kanilang reaksyon tungkol sa nasabing report.

“Lahat naman ng kandidato maganda ang layunin sa ating bansa. Kaya kahit sino ang mapili, sana wala ng mang BASH sa INC dahil nakabatay sa Bible ang aming pagkakaisa sa pagpili at paghatol at ang election ay “Pagpili at Paghatol”.” sabi ng isang netizen na nagpakilalang miyembro ng INC.

Matatandaan na noong 2016 ay si Pangulong Rodrigo Duterte at si Marcos din ang sinuportahan ng INC na mayroong mahigit 2,000,000 botante.

Kilala ang INC sa pagkakaisa kung sino ang kanilang ibinoboto kapag eleksyon.

Sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma ng INC kung sino ang susuporthan nila, ngunit inaasahan na i-aanunsyo na nila ito sa lalong madaling panahon.

Hindi pa nagbibigay ng tugon ang UniTeam sa kumakalat na report.

 

Facebook Comments