Home Netizen's Voice Ginawang props? Pagtrato ng mga Kakampink sa Sumilao farmers, inulan ng batikos sa social media

Ginawang props? Pagtrato ng mga Kakampink sa Sumilao farmers, inulan ng batikos sa social media

0

Hindi napigilan ng ilang netizens na batikusin ang ginawang pagtrato diumano sa mga Banasi at Sumilao farmers na diumano’y naglakad pa mula sa Mindanao papuntang Maynila upang magbigay suporta sa tambalan ni presidential candidate Leni Robredo at vice presidential candidate Kiko Pangilinan.

Nag umpisa ang isyu matapos mag-post ng isang larawan ang isang grupo ng mga tagasuporta nila Robredo kung saan ay makikita ang mga magsasaka na natutulog lamang sa banig sa volunteer center ng nasabing kandidato sa Binan, Laguna.

“Welcome din po ang anumang donasyon na maibabahagi natin sa kanila. Pero ang request po nila ay mga bagong tuwalya, damit at tsinelas,” sabi ng grupo sa kanilang Facebook post.

Hindi ikinatuwa ng ilang netizen ang ginawang pagtrato sa mga tinaguriang “espesyal” na bisita ni Robredo.

“This is the brand of leadership the pink camp would want the Filipinos to trust. It was clear now that the farmers were just props to stir support and emotion. In fairness, Kiko showed Filipinos that he could act.” ani Ludwig Gomez.

“Why weren’t they given proper accomodations? They were invited as guests to their campaign right? If you invite people over, that means they are guests. Is this how they treat their guests?! So sad naman.” wika ni DJgeorgia Manila.

“Will they bring them to try eating at Wildflour and some refreshments at Starbucks. At least give them some chance to comfortable life as Kiko would say,” komento naman ni Reeves Bisai Sagario.

Pero may ilan naman ang sinubukang ipagtanggol ang naging pagtrato sa mga magsasaka.

“Busog na busog sila dahil sa pakain ng mga taga-Binan. Namamahinga lamang sila sa larawan na ‘yan. Hindi nangangahulugan na sila ay pinabayaan o hindi inaasikaso.” sabi ng isang volunteer ni Robredo.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mga magsasaka sa natanggap nilang reaksyon sa social media.

Facebook Comments