Home Celebrities Frankie Pangilinan, ibinahagi kung bakit nag “NO” ang ama niyang si Kiko sa Bayanihan 2

Frankie Pangilinan, ibinahagi kung bakit nag “NO” ang ama niyang si Kiko sa Bayanihan 2

0

Ipinaliwanag ni Frankie Pangilinan ang isa sa mga kontrobersiyal na desisyon ng kanyang ama na si vice presidential candidate Kiko Pangilinan sa senado.

Matatandaan na inulan ng batikos sa social media ang pagkontra ni Pangilinan sa Bayanihan 2 na nagbibigay ayuda sa mga Pilipino na naapektuhan ng pandemya.

Si Pangilinan lamang ang kaisa-isang senador na sumagot ng “NO” sa nasabing panukala.

Ibinahagi ni Frankie ang isang post kung saan ipinapaliwanag kung bakit si Pangilinan lamang ang kumontra sa nasabing panukala.

Ayon sa paliwanag ay hindi naman porket nag “NO” ang senador ay kontra na ito sa pagbibigay ng ayuda sa mga tao.

Ang gusto lamang daw ng senador ay mas malaki ang maibahaging ayuda sa mga tao.

“Ang gusto ni Kiko ay mas malaking pondo para sa ayuda. Mula sa 236 billion na dapat ay ilalaan noon ng senado para sa ayuda, ito ay bumaba sa P160 billion lamang. Naniniwala siya na mas malaki dapat ang ilaang pondo para sa ayuda,” sabi sa paliwanag.

“Alalahanin po natin na mas komplimado ang mga batas sa “yes” or “no” lamang. ang “no” sa bill ay madalas katumbas ng “redraft” o “baguhin” bago ito’y nagiging law,” tweet naman ni Frankie.

Sa ngayon ay umabot na ng daan daang reaksyon sa Twitter ang nasabing paliwanag ni Pangilinan na pumapangatlo sa ilang mga survey.

Facebook Comments