Home Social Media Richard Gordon, hindi napigilan mainis dahil sa limitadong oras niya sa pagsasalita sa rally: “Ayoko na pumunta dito. Heto ang mikropono”

Richard Gordon, hindi napigilan mainis dahil sa limitadong oras niya sa pagsasalita sa rally: “Ayoko na pumunta dito. Heto ang mikropono”

0

Hindi na nakapagpigil pa si senatorial candidate Richard Gordon na ilabas ang sama ng loob niya dahil sa limitado lamang diumano ang oras niya sa pagsasalita sa mga rally na isinasagawa para kay presidential candidate Leni Robredo at vice presidential bet Kiko Pangilinan.

Nitong Abril 30, nag-viral ang isang insidente sa Leni-Kiko rally sa Batangas kung saan ay naglabas ng sama ng loob si Gordon dahil hindi niya daw masabi ang gusto niyang iparating sa mga botante lalo na’t may oras ang kanilang pagsasalita.

“I’d like to apologize because naguguluhan ako kanina nandoon na ako pinabalik ako. May medic pinalabas ko yung Red Cross, I’m sorry we are not allowed to speak as much as we want and that’s what concerns me. What concerns me is nandito tayo, marami tayo you have to know what you’re fighting for,” sabi ni Gordon na ikinagulat naman ng ilang mga nandoon sa rally.

“But without the commitment, without the thinking, without the emotion, without the passion, we are not able to beat these people and you have to stand now and until May 9. Kaya natin? Kakayanin!” dagdag niya pa.

Maririnig sa background ang pagpapakilala ng host ng rally sa susunod nilang kandidato na si Sen. Leila de Lima ngunit maririnig parin sa background si Gordon na tila nakikipagtalo sa isang staff.

“Hinarangan nyo ako magsalita ak odoon. Ayoko na pumunta dito. Hero ang mikropono. You are not sorry. You do that all the time,” sabi pa ni Gordon.

Negatibo naman ang naging reaksyon ng mga Kakampink sa ginawang eksena ni Gordon.

“Gordon is really part of my senatorial list. I chose to look past his “enabler” era and focus on his accomplishments with Red Cross. Seeing those recent tantrum videos in the rally made me rethink. I am still conflicted to this day if I’ll retain him.” sabi ni @theninaellaine.

“Sorry but I have to say this, I’ll vote straight sa Senator slate ni Leni-Kiko except Gordon. Bastos talaga ‘yan.” tweet naman ni @advenjairos.

Ngunit may ilan naman na nakisimpatya sa senador na kilala sa pagiging kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

“Frankly, i sympathize with Sen. Dick Gordon. Veteran campaigner iyan. He knows when a campaign f*cks up. And clearly, the circus that is the Robredo campaign is sinking fast for him to be that frustrated.” wika naman ni Atty. Darwin Canete.

 

 

Facebook Comments