Home Celebrities Pokwang hinimok ang mga maka-BBM na mag research: “Please now tell why BBM?”

Pokwang hinimok ang mga maka-BBM na mag research: “Please now tell why BBM?”

0

Hinimok ng komedyante na si Pokwang ang mga netizens na huwag kunin ang kanilang impormasyon sa Facebook at Tiktok tungkol sa kanilang mga kandidato.

Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ng komedyante ang sariling bersyon niya ng performance ni Gab Valenciano sa mga rally ni presidential candidate Leni Robredo.

Marami mang netizen ang naaliw kay Pokwang ay napuno naman ng diskusyon ang nasabing post mula sa mga kritiko ng komedyante na kilala sa kanyang pagiging aktibo sa pagtatanggol kay Robredo.

Ilan sa mga netizen ang inakusahan si Pokwang ng pagsuporta kay Robredo upang maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN na agad namang tinanggihan ng komedyante.

“Wala po ako sa ABS-CBN at happy na po ako sa GMA, kung prangkisa po ang habol namin edi sana doon kami sa maaring magbalik ng prangkisa diba yung mga kakampi ng nagpatanggal,” sabi ni Pokwang.

“Ask them why did I left the network? Go ahead ask them!!” dagdag niya pa.

Ipinaliwanag din niya sa mga netizen kung bakit si Robredo ang napili niyang suportahan.

Sinabi rin nito na dapat ay mag-research ang netizen at saka nito sagutin kung bakit si BBM ang dapat piliin niya.

“Dahil siya ay maraming nagawa at gagawin pa para sa bayan at mahal ko kinabukasan ng anak ko. Kaya wag kang mag sorry kasi maganda napili ko para sa mga anak at magiging apo ko.” sabi niya pa.

“Walang bahid ng korapsyon, nabigyan ng pinakamataas na pagkilala sa COA ang office of the vice president dahil sa malinis na record nito, mag research po kayo wag sa tiktok at fb magbasa po kayo please. Now tell me why bbm?” dagdag niya pa.

Facebook Comments