Home Politics Manny Pacquiao kung si Robredo o Marcos ang manalo: “Hindi titigil yang kaguluhan”

Manny Pacquiao kung si Robredo o Marcos ang manalo: “Hindi titigil yang kaguluhan”

0

Naniniwala si presidential candidate Manny Pacquiao na hindi titigil ang kaguluhan sa Pilipinas kung sila Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. o si Leni Robredo ang mananalo sa darating na halalan.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, sinabi ni Pacquiao na magpapatuloy lamang ang pagtatalo ng magkabilang kampo kahit na tapos ang ang eleksyon.

Maari daw maapektuhan ang bansa dahil sa pag-aaway ng dalawang kampo dahil sa imbis daw na ibuhos na lamang nila ang oras sa pagpapaganda ng buhay ng mga Pilipino ay mauubos lamang daw ang panahon ng dalawang kampo sa paghihilahan pababa.

“Kung manalo si Bongbong, hindi naman titigil ang kaguluhan,” ani Pacquiao. “Buti kung papayag yang mga dilawan.”

“Kung manalo naman ang dilawan, papayag kaya ang kabila? So ganoon na lamang ang politika natin dito hindi na tayo maka-focus sa economic growth and development sa ating bansa. Ang maapektuhan ay ‘yung ating mga kababayan,” dagdag niya pa.

Si Marcos at Robredo ang nakikitang magiging magkatunggali sa halalan ayon sa mga survey.

Facebook Comments