Home Celebrities Kim Chiu, nakatanggap ng lecture mula kay Arnell Ignacio tungkol sa ‘spokesperson’: “Get a spokesperson for yourself”

Kim Chiu, nakatanggap ng lecture mula kay Arnell Ignacio tungkol sa ‘spokesperson’: “Get a spokesperson for yourself”

0

Tila pinipigilan na lamang matawa ni dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy executive director Arnell Ignacio habang nagbibigay siya ng mensahe sa aktres na si Kim Chiu na naging kontrobersiyal dahil sa kanyang tanong tungkol sa spokesperson ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang vlog, tinawag na may “very colorful personality” ni Arnell si Kim dahil daw sa mga tanong na ibinabato ng aktres.

Dito na ipinaliwanag ni Arnell kung ano nga ba ang trabaho ng pagiging isang spokesperson o tagapagsalita ng mga kilalang indibidwal katulad ni Marcos.

“Ano ba ang spokesperson Kim? Ang spokesperson ay isang tao na nagsasalita in behalf of somebody else. Why does that happen? Kasi ‘yung tao na iyong inaantay na magsalita eh napakaraming engagement at kailangan niya ng isa pang tagapagpaliwanag,” ani Arnell.

“There is really nothing wrong with that, my God Kim there’s nothing wrong with that. Si Atty. Rodriguez ay spokesperson ni BBM. Ang masama is kapag nagpadala siya ng spokesperson sa debate at sa interview, iba ‘yon.” dagdag niya pa.

“Pero ‘yung mga may issues, usually its the spokesperson who answers, who speaks, kasi nga spokesperson siya eh. spoke-person,” sabi pa niya.

Payo naman ni Arnell kay Kim, dapat kumuha rin daw ang aktres ng kanyang sariling ‘spokesperson’ na magsasalita para sa kanya.

“You know, what’s best for you get a spokesperson for yourself. Malaking tulong yan, para di ka sumasabit Kim.” wika niya.

Matatandaan na nitong Abril 29 ay napatanong si Kim kung bakit lagi na lamang si spokesperson Atty. Vic Rodriguez ang nagsasalita para sa kanyang boss na si Marcos.

“Uhm curious lang po? bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period palang? Dapat yung nag aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW.” sabi ni Kim.

READ MORE: Kim Chiu, may tanong tungkol kay BBM: “Bakit parang ‘yung spokesperson yung laging sumasagot?”

 

Facebook Comments