Home Celebrities Julia Parizcova Segovia kay Vice Ganda: Galing pa sayo na iniidolo ko ang ganoong salita

Julia Parizcova Segovia kay Vice Ganda: Galing pa sayo na iniidolo ko ang ganoong salita

0

Hindi makapaniwala ang Miss Q&A Season 1 winner at komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia na mula pa sa hinahangaan niyang si Vice Ganda mangagaling ang mga masasakit na salita laban sa kanya.

Sa panayam kay Juliana na isang masugid na tagasuporta ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dismayado siya kay Vice dahil sa blind item nito tungkol sa isang ‘troll’ na diumano’y nagagawa ito dahil sa ito ay ‘naghihirap na’.

“May kilala rin ako. Sa totoong buhay, hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media. Tapos, nalaman ko kasi troll siya. Trabaho, kasi wala siyang pera, e. So, ‘yon yung ng effect, ginawa niya yun, kumapit siya du’n kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya. Kaya sabi ko sa iba naming kaibigan, huwag niyo nang patulan, di ba? Masakit man, pero yun ang epekto sa kanya ng kahirapan. Kinailangan niyang gawin yun, di ba?” sabi ni Vice sa episode ng It’s Showtime nitong Abril 26.

“Hindi man katanggap-tanggap, pero siguro wala na siyang choice. Mabait naman ‘yan, e, pero ngayon, magugulat ka talaga yung mga post niya, tapos nalaman namin troll pala siya. Umabot na siya sa ganoon samantalang dati, sabi ko, kapag walang pera yun, super pa-Gcash. Nagpapa-Gcash sa mga bakla na, ‘Teh, pa-send naman kasi wala talaga,” dagdag niya pa.

Naniniwala si Julia na siya ang pinapatamaan ni Vice.

Pero mas ikinagulat niya na nilait ni Vice ang kanyang kahirapan kahit na galing din ang tanyag na komedyante sa kahirapan.

“Kahit sino pwedeng mang-api ng mahirap. (Pero) nagulat lang po ako na sa isang nagmula rin sa kahirapan at iniidolo ko pa manggagaling ang mga ganoong salita,” sabi ni Juliana.

Ipinaliwanag din nito na hindi naman ibig sabihin na kung iba ang sinusuportahan niya kaysa kay Vice ay ‘troll’ na siya.

“Hndi po lahat ng mahirap na gustong manindigan ay kumakapit sa patalim. Hindi po pagkapit sa patalim ang magkaroon ng sariling opinyon. Hindi naman po ako pinadapa ng mga sinabi niya. Nasaktan lang po ako dahil inidolo at tiningala ko siya. Hindi po ako makapaniwala na ganito pala, na ganito lang ang tingin niya sa akin at puwede pala na mangyari ito,” wika niya.

Matatandaan na si Juliana ang ilan sa mga celebrities na sumusuporta kay Marcos na nakatanggap ng pambabatikos mula sa mga Kakampink.

Kumalat din sa social media na nagkabaon-baon sa utang ang komedyante.

Ngunit ng malaman ito ng mga tagasuporta ni Marcos ay nag-ambagan ang mga ito hanggang sa makaipon sila ng daan daang libong piso.

READ MORE: Julia Parizcova nakaipon ng P300,000 na pambayad sa kanyang utang sa tulong ng BBM-Sara supporters

Facebook Comments