Home Celebrities Pokwang, nakiusap sa mga netizen na iboto si Robredo: “Minsan lang daaan sa buhay natin ang isangLeni”

Pokwang, nakiusap sa mga netizen na iboto si Robredo: “Minsan lang daaan sa buhay natin ang isangLeni”

0

Nakiusap na ang komedyante na si Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang sa mga netizen na sana’y ikonsidera nila na iboto si presidential candidate Leni Robredo sa darating na halalan.

Sa kanyang Instagram post nitong Abril 29, ibinahagi ni Pokwang ang isang video kung saan makikita ang mga testimonya ng ilang natulungan ni Robredo habang siya ay isang public servant.

Ayon sa komedyante ay dapat hindi sayangin ng mga tao ang pagkakataon na maging pangulo si Robredo dahil isang beses lamang itong mangyayari sa kanilang buhay.

“Minsan lang dadaan sa buhay natin ang isang @bise_leni wag natin sayangin, may oras kapa para sumama,” ani Pokwang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Ibinahagi ni Pokwang ang nasabing post ilang araw matapos nitong banatan ang mga ‘trolls’ sa social media na diumano’y madalas siyang batikusin sa social media dahil sa kanyang paghanga kay Robredo.

READ MORE: Pokwang, inaway ang kasamahan sa Kapuso na si Rado Peru at DJ Durano: “Pwede kita idemanda!”

Sa isang Facebook post pa ay sinabi rin nito sa mga netizen na  dapat ay tigilan na ang panglalait at ihayag na lamang nila ang mga plataporma at nagawa ng kanilang kandidato.

“Pakiusap kung lalaitin nyo lang sya at hahamakin sa comment nyo sana i latag nyo nalang at i comment ang plataporma ng iyong kandidato, mga batas na naipasa nya na napapakinabangan natin ngayon, mga proyektong nagawa at gagawin palang. Wag puro lait iangat nyo at ibida mo nalang kandidato mo kagaya ng ginagawa ko!” sabi pa ng komedyante.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

 

Facebook Comments