Home Celebrities Kim Chiu, may mensahe matapos ulanin ng batikos dahil sa kanyang pagtatanong sa “spokesperson” ni BBM: “Natatawa ako!”

Kim Chiu, may mensahe matapos ulanin ng batikos dahil sa kanyang pagtatanong sa “spokesperson” ni BBM: “Natatawa ako!”

0

Nagbigay ng reaksyon ang aktres na si Kim Chiu, ilang araw matapos siyang ulanin ng iba’t ibang reaksyon sa social media dahil sa kanyang tanong sa tagapagsalita ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez.

Sa kanyang tweet nitong Abril 29, tinanong ni Kim si Rodriguez na spokesperson ni Marcos kung bakit siya lagi ang sumasagot para sa presidential candidate.

Matatandaan na si Rodriguez ang naglabas ng pahayag matapos hamunin ni Vice President Leni Robredo ng one-on-one debate si Marcos.

“Uhm curious lang po? bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period palang? Dapat yung nag aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW.” sabi ni Kim.

READ MORE: Kim Chiu, may tanong tungkol kay BBM: “Bakit parang ‘yung spokesperson yung laging sumasagot?”

Sa kanyang pinakabagong tweet naman nitong Abril 30 ay hindi mapigilan matawa ni Kim sa reaksyon ng mga netizens sa kanya.

Ayon sa kanya ay “curious” lang siya kaya niya naitanong kung bakit si Rodriguez ang sumasagot para kay Marcos.

“Natatawa ako sa mga peepz! Hahaha wala atang sagot na maayos, kaya ready na me for #RENEWALOFBASH  lels Bahala kayo magkagulo jan! yun ay out of curiosity lamang powz. Kaya nga po nagtanong.. hihihi (PS namimiss ko na mag peace sign) – kim chiu,” ani Kim.

Screencap ng tweet mula kay Kim Chiu (@prinsesachinita)

Hati naman ang reaksyon ng netizen sa panibagong tweet ni Kim na kilalang  tagasuporta ni Robredo.

May ilan na ipinagtanggol ang aktres, habang ang ilan ay hindi parin mapigilan na batikusin ang tanong ni Kim.

 

Facebook Comments