Inamin ng aktor na si Baron Geisler na nakaapekto na ng matindi sa kanyang pamilya ang pagta-trabaho niya sa showbusiness.
Sa panayam sa kanya sa Vivamax Summer Campaign ay ibinunyag ni Baron na gusto ng makipag-annul ng kanyang asawa na si Jamie Evangelista sa kanya dahil sa pagbabalik niya sa kanyang bisyo at dahil narin sa kanyang trabaho.
Hindi narin sila nakatira sa iisang bubong dahil sa problema nila sa relasyon.
Nasa ilalim muli ngayon ng rehabilitation program si Baron dahil sa kanyang pagkalulong sa alak.
Umaasa naman siya na babalik muli ang sigla ng relasyon nilang mag asawa kung sakali na maging matagumpay ang kanyang recovery process.
Hinimok naman nito ang VivaMax na gumawa ng pelikula na mayroong ‘family values’ dahil karamihan ng mga ginagampanan niyang role sa nasabing producer ay hindi angkop sa kanyang paniniwala.
“Invest in acting workshops and character development. It is contradictory to my beliefs as a Christian and my image as a transformed family man. I am not proud of it and it’s taking a toll on my marriage, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all!” sabi pa ni Baron.
Sa ngayon ay wala pang pahayag si Jamie para kumpirmahin ang hiwalayan nila ni Baron.
Matatandaan na sinabi ng asawa ni Baron na nakakaapekto na muli sa trabaho ng aktor ang pag inom.
Sinisi ni Jamie ang diumano’y “sugar mommy” ni Baron na sinusunod pa siya sa kanyang lugar para dalhin sa hotel at kinukunsinti siya sa kanyang bisyo.
Samantala ay nagkaroon naman ng positibong balita tungkol kay Baron matapos itong makatapos sa kursong theology.
Biro nito ay maari siyang magtayo ng sariling simbahan at maging pastor katulad ni Apollo Quiboloy.