Home Social Media Manny Pacquiao, may inamin: “Nagsisi nga ako bakit napasok ako sa politika”

Manny Pacquiao, may inamin: “Nagsisi nga ako bakit napasok ako sa politika”

0

Inamin ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao na mayroon siyang pagsisisi sa pagpasok sa politika dahil sa mga naninira sa kanyang pangalan.

Sa panayam sa kanya ng CNN sa programang Private Presidential Interviews nitong Abril 28, sinabi ni Pacquiao na sinisira ilang indibidwal ang kanyang pangalan na binuo niya ng ilang taon matapos ang kanyang pagpasok sa public service.

Suspetsa niya ay ang mga ‘kawatan’ na opisyal ng gobyerno ay nagbabayad ng mga tao upang siraan siya.

“Actually nagsisi nga ako bakit napasok ako sa politika dahil sinisira nila ‘yung pangalan ko na dugo at pawis ang phunan ko.” ani Pacquiao.

“Nagsisikap ako para magbigay ng karangalan sa bansa natin at makilala ako. And then itong mga kawatan diyan sa gobyerno, nag-hire ng mga tao para siraan ako,” dagdag niya pa.

Samantala ay inalala din nito ang pagbibigay ng kanyang karangalan sa mga Pilipino dahil sa kanyang pagboboksing.

“Once upon a time napagkaisa ko ang bansang Pilipinas, nailagay ko sa mapa ang bansa natin, once upon a time when you talk about Philippines, Manny Pacquiao,” wika niya.

“Masaya na ako doon, ang kailangan ko lang pangalagaan ang pangalan natin na nalagay diyan sa mapa at wag hayaan na sirain ng mga kawatan sa gobyerno, isip isip silang mabuti,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments