Home Social Media Leni Robredo, hinamon ng 1-on-1 debate si Bongbong Marcos: “Kung papayag po kayo, anytime, anywhere, darating ako”

Leni Robredo, hinamon ng 1-on-1 debate si Bongbong Marcos: “Kung papayag po kayo, anytime, anywhere, darating ako”

0

Ilang Linggo bago ang eleksyon ang hinamon ni presidential candidate Leni Robredo ang pinakamahigpit na karibal niya ngayong halalan na si presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang pahayag nitong Abril 29, sinabi ni Robredo na hindi na dadalo pa si Robredo sa panel interview ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa ibubuhos niya na lamang ang natitirang araw ng kampanya para sa mga rally.

Ngunit ayon kay Robredo ay papayag siyang makipag-debate sa isang tao at ‘yun ay si Marcos dahil sa hindi pa sila nagkakaharap.

“Isang kandidato na lang ang hindi pa humaharap sa taumbayan sa isang debate kasama ang lahat ng ibang kandidato. Mahalaga sana ito para masuri kami ng publiko, at para marinig nila at mapagkumpara ang vision at pagkatao namin.” ani Robredo.

“Inaanyayahan ko si Ginoong Bongbong Marcos na makipagdebate, para mabigyan ang taumbayan ng pagkakataong makaharap siya at matanong tungkol sa mga kontrobersiyang pumapalibot sa kanya.” dagdag niya pa.

Ayon kay Robredo ay hahayaan niyang si Marcos ang mag desisyon kung kailan at saan ang kanilang one-on-one debate.

“We owe it to the people and to our country. Kung papayag po kayo, anytime, anywhere, darating ako,” sabi pa ng bise.

Hindi pa sumasagot si Marcos sa imbitasyon ni Robredo.

Matatandaan na hindi lamang si Robredo ang humamon ng 1-on-1 debate kay Marcos na nangunguna parin ngayon sa mga survey.

Nitong Marso ay hinamon din ni presidential candidate Manny Pacquiao si Marcos ng debate na silang dalawa lamang.

READ MORE: Manny Pacquiao hinamon 1-on-1 si Bongbong Marcos sa debate: “Baka nahihiya siya pag madami”

Ngunit hindi rin ito pinansin ni Marcos at sinabi na mas mahalaga na unahin nila ang pangangampanya sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

Facebook Comments