Home Celebrities Kim Chiu, may tanong tungkol kay BBM: “Bakit parang ‘yung spokesperson yung laging sumasagot?”

Kim Chiu, may tanong tungkol kay BBM: “Bakit parang ‘yung spokesperson yung laging sumasagot?”

0

Umani ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang tanong ni Kim Chiu matapos tanggihan ng kampo ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hamon ni presidential bet Leni Robredo na one-on-one debate.

Matatandaan na agad sinagot ni Atty. Vic Rodriguez na “spokesperson” ni Marcos ang hamon ni Robredo at sinabi na hindi nila tatanggapin ang imbitasyon ng bise presidente.

Ayon kasi kay Rodriguez ay positibong pangangampanya ang nais nila kaya’t hindi sila dadalo sa isang debate na maaring puro bangayan lang ang maganap.

“Positibong pangangampanya at walang paninira ang gabay ng UniTeam ni Bongbong Marcos. At derecho sa taumbayan ang mga mensahe nito at ang panawagan ng pagkakisa. Pawang mga negatibo, panlilinlang at paninira naman ang sa kampo ng dilawan.” ani Rodriguez.

“Sa debate na hamon kay presidential frontrunner Bongbong Marcos ay hindi ito kailanman mangyayari sa ilang kadahilanan. At batid ni Ginang Robredo ang mga kadahilanang ‘yan,” sabi niya pa.

Dito na pumasok si Kim na isang tagasuporta ni Robredo at nagtanong kung bakit si Rodriguez na isang “spokesperson” ang laging sumasagot sa mga tanong kay Marcos.

“Uhm curious lang po? bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period palang? Dapat yung nag aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW.” sabi ni Kim.

Ilang netizen naman ang sinagot ang tanong ni Kim sa social media.

“Nakikita niyo po naman BUSY po kasi yung PRESIDENT NAMIN ee pasensya po miss kim chui. Hmm, kaya po din tinawag siyang spokesperson ni BBM kasi siya ang tagapagsalita ni BBM at TRABAHO niya din po yan.” wika ni netizen @Dead2996.

“Teh, anu ba ang job description ng spokesperson sayo? Bago kasi dada ng dada o magreact, intindihin mo muna ng mabuti, kng maaari word by word para hindi ka napapahiya,” sagot naman ni @mdix1992.

“A busy person is entitled to hire his Spokesperson. They dont have time to answer personally impertinent questions from impertinent people.” ani @yowcamss.

Matatandaan na hindi lang si Marcos ang mayroong tagapagsalita kundi ang ibang kandidato.

 

 

Facebook Comments