Home Celebrities Pokwang, inaway ang kasamahan sa Kapuso na si Rado Peru at DJ Durano: “Pwede kita idemanda!”

Pokwang, inaway ang kasamahan sa Kapuso na si Rado Peru at DJ Durano: “Pwede kita idemanda!”

0

Kahit ang kapwa niya mga kasamahan si GMA Network ay hindi nakaligtas sa bagsik ng komedyante na si Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang.

Sa kanyang Facebook post, nagbanta na magdedemanda si Pokwang laban sa direktor na nagta-trabaho sa GMA na si Rado Peru at Kapuso actor na si DJ Durano dahil diumano sa mga komento na sinabi nila sa komedyante.

Ibinahagi kasi ni Rado ang pahayag ni Pokwang laban diumano sa mga ‘trolls’ na diumano’y nagkalat sa Twitter.

Ayon naman sa direktor ay boboto parin ang mga tinatawag ni ‘Pokwang’ na trolls sa halalan.

“Boboto ung mga tinarawag nyong ‘Trolls’ sa May 9 at ipapamukha namin sa inyo kung cno ang gusto namin…at tatandaan kita kasi TROLL ang tingin mo sa akin…” sabi ni Peru.

Nagbigay naman ng komento si Durano sa post ng Direktor at tinawag na ‘feeling sikat’ si Pokwang.

“Sa ABS CBN lang napansin yan, feeling niya Aiai sya, ang layo maryosep,” sabi ng aktor.

Di naman nakapagtimpi si Pokwang at sinabi na wala naman siyang binabanggit na pangalan sa kanyang post tungkol sa mga trolls.

Tinawag na ‘unprofessional’ ni Pokwang ang dalawa niyang kapwa Kapuso.

“Sino nakakakilala sa napaka unprofessional na direktor na ito sa GMA? Rado Peru? basahin mo mabuti tweet ko wala akong binanggit na pangalan trolls ang sinabi ko!! Troll kaba kaya ka triggered?” tanong ni Pokwang.

“Pero ikaw pinagbantaan mo ako at using my picture pa talaga ano po? ihiwalay mo ang politika sa trabaho sana po diba? pwede kita idemanda po fyi! at ikaw DJ Durano!! Woohoo Dios mio!! feeling sikat ako??? nag fi feeling Ai Ai ako???” dagdag niya pa.

“Hahahahhaa unang una Oo sikat ako kumpara sayo tah ka plastik ka!!! ikaw laging sabit lang sa movie ng namayapa kong mahal na direktor kasi nga nagagalit ka kapag hindi ka kasama sa mga proyekto nya! kapal ng mukha mo! kung sino man mga friend nya dito paki paabot sa kanya ito plastik sya!!” sabi pa niya.

Hindi pa nagbibigay ng tugon ang aktor at ang direktor sa agresibong pahayag ni Pokwang.

Hinihintay naman ng mga netizen ang magiging pahayag ng GMA Network sa awayan sa pagitan ng kanilang mga talent.

Facebook Comments