Inamin ng aktres na si Agot Isidro na itinatago niya ang mga ‘Kakampink Merch’ na nakokolekta niya at ibinibigay sa kanya sa gitna ng pangangampanya niya para kay presidential candidate Leni Robredo.
Sa kanyang tweet nitong Abril 26, sinabi ni Agot na itatago niya ang mga nakolekta niyang campaign materials ngayong kampanya ni Robredo upang alalahanin pagdating ng panahon ang mga nagawa nilang sakripisyo para sa bise.
“Ang mga Leni-Kiko merch na binibigay sa akin at binibili ko, tinatago ko. In the near future, we will be reminded sa paglalakbay, mga ambag, mga sakripisyo nating lahat.” ani Agot.
Hinimok din ng aktres ang iba pa niyang mga kasamahan sa Kakampink na itago din ang kanilang mga merch dahil magiging parte ito ng kasaysayan.
“Itago nyo yan. You will have a piece of history that you have been actively part of.” sabi pa ng aktres.
Ipinakita rin ng ilang tagasuporta ni Robredo kung paano nila ingatan ang mga merch na natatanggap nila.
“Ang sarap sa pakiramdam na may kwento Tayo sa mga apo natin ang experience natin sa pangangampanya..kahit binabastos tayo sa labas …smile parin ….Ito ang pinaka cute na pin ..itinatago tago ko tlaga…” sabi @GelayD_8ternity.
Ang sarap sa pakiramdam na may kwento Tayo sa mga apo natin ang experience natin sa pangangampanya..kahit binabastos tayo sa labas …smile parin ….Ito ang pinaka cute na pin ..itinatago tago ko tlaga… pic.twitter.com/hjI5IBZA3q
— Gelay_RalphGailW💜 Connected Movie Soon💜🍌🍌 (@GelayD_8ternity) April 27, 2022
“This is a historic campaign indeed. This is a true people’s campaign. The people made every rally succeed by contributing whatever little they have, talents participate without pay, people feed others, drinks are being offered to dehydrate. Leaders and participants have hearts.” wika ni @ty_grat.
“Ako din po, naisip ko na yan last month pa. Itatago ko mga tarps, baller,basta lahat ng campaign merch. Tas in the future aalahanin natin ang panahon na ‘to,” komento naman ni @zhakatanaa.