Home Celebrities Rita Avila, di na nagulat na madaming artista ang sumuporta kay VP Leni Robredo: “Maniniwala sila kay Ma’am”

Rita Avila, di na nagulat na madaming artista ang sumuporta kay VP Leni Robredo: “Maniniwala sila kay Ma’am”

0

Hindi na ikinagulat pa ng aktres na si Rita Avila ang pagpapakita ng suporta ng ilang sikat na artista sa kandidatura ni presidential candidate Leni Robredo.

Sa kanyang Instagram post, nagbigay ng reaksyon si Rita matapos magpahayag ng suporta ang mga artista na sina Angel Locsin, Maricel Soriano, Regine Velasquez, John Arcilla at Vice Ganda.

Ayon sa kanya ay nagalak siya na maraming miyembro ng industriya ang nagpakita ng suporta kay Robredo.

Ngunit ayon sa aktres ay inaasahan niya na marami talagang artista ang susuporta kay Robredo dahil sa diumano’y naniniwala sila sa adbokasiya ng nasabing kandidato.

“Pagkasalita nila Angel, Maricel, Regine, John… hanggang ni Vice Ganda, ang tagal na ang bigat ng puso ko, gusto kong umiyak pero umaapaw naman ang kaligayahan ko. Ang hirap pala ng combination na un.” ani Rita.

“Noong nag-umpisa kami mag-rally k VP Leni, alam ko sa sarili ko na maraming maglalabasang malalaking artista kapag malapit na ang eleksyon. Alam ko na maniniwala sila k Ma’am. Alam ko na di nila pababayaan si Ma’am.” dagdag niya pa.

Matatandaan na padami na ng padami ang mag sikat na personalidad na nagpapakita ng suporta kay Robredo.

Maliban sa mga nabanggit ni Rita ay nagpahayag narin ng suporta si Andrea Brillantes, Piolo Pascual, Kim Chiu, Nadine Lustre at Kathryn Bernardo kay Robredo.

Karamihan ng mga sumusuporta ngayon kay Robredo ay mga talent ng nagsarang ABS-CBN na hanggang ngayon ay umaasa na makakakuha sila ng prangkisa pag natapos ang kasalukuyang administrasyon.

 

Facebook Comments