Home Social Media Lalaki na nanigaw sa grupo ni Jilian Robredo, hindi hihingi ng paumanhin sa nagawa niya: “Sila ang bastos”

Lalaki na nanigaw sa grupo ni Jilian Robredo, hindi hihingi ng paumanhin sa nagawa niya: “Sila ang bastos”

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang lalaki na nanigaw sa grupo ng anak ni presidential candidate Leni Robredo na si Jilian nitong Abril 25, 2022.

Nagpakilala ang lalaki na si Cliff Lewis, isang residente ng Baguio City.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang paninigaw ni Lewis sa grupo nila Robredo sa Baguio City Public Market.

Ipinaliwanag naman niya sa isang video kung bakit niya nagawa na komprontahin ang grupo ni Robredo.

Nilinaw ni Lewis na hindi niya sinugod si Jilian at ang mga ka-grupo lamang nito ang kanyang kinausap.

Binatikos din nito ang ilang media outlet dahil sa maling pagbabalita tungkol sa nasabing insidente.

Ayon sa kwento niya ay hinaharangan daw ng nasabing grupo ang daanan sa palengke at may ilan narin daw na tindahan ang naiistorbo dahil sa pangangampanya nila.

Nakiusap daw ito sa grupo ni Robredo na sana’y huwag harangan ang daan ngunit may nasabi daw ang isa sa mga Kakampink na nagpainit sa ulo niya.

“Hindi ko po nakikita ‘yung anak ni madam Leni at hindi ko po nakakausap ang anak ni ma’am Leni, noong araw at oras po na ‘yon ang kasagutan ko po ay ‘yung supporter.” ani Lewis.

“Kasi po ito ang sinabi sa akin kahapon, noong sinabi ko po na ‘excuse po, padaan po kasi nagmamadali ako’ ang sagot sakin ay ‘wala akong pakialam, ang importante ay iboto mo si Leni'” dagdag niya pa.

“Ngayon ang sagot ko po noong ganon ang sinabi sa akin ‘ay ganon po ba hindi pa nananalo si Madam Leni nagiging diktadurya na kayo, bintang kayo ng bintang na si Marcos ang diktaturya, kayo pala ang diktaturya’.” sabi niya pa.

Dito na nag umpisa na magsisigaw si Lewis dahil sa dinuduro duro daw siya ng isa pang tagasuporta ni Robredo.

Doon niya na daw sinabi ang kanyang sikat na sikat na litanya ngayon na ‘Igorot ako, kayo dayuhan lang kayo’.

“Hindi naman po sana ako magiging bastos kung hindi na sila nagsalita at hinayaan nalang kaming dumaan,” paliwanag ng lalaki.

Naniniwala siya na dapat hindi nangangampanya ang mga politiko ang public market dahil sa may mga naapektuhang negosyo sa ginawa ng grupo ni Robredo.

Hindi naman hihingi ng tawad si Lewis sa kanyang ginawa dahil ang mga tagasuporta daw ni Robredo ang nanguna kaya uminit ang ulo niya.

“Hindi po ako humihingi ng tawad sa nangyari kahapon, dahil wala po akong ipaghihingi ng tawad,” sabi ni Lewis.

Sa ngayon ay may libo libo ng shares sa social media ang paliwanag ni Lewis.

Nitong Abril 27 ay mismong si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang humingi ng tawad kay Robredo dahil sa inasal ni Lewis.

Facebook Comments