Home Celebrities Ilang netizens, may inalala matapos mag post si Jim Paredes ng larawan ni BBM

Ilang netizens, may inalala matapos mag post si Jim Paredes ng larawan ni BBM

0

Nag-viral sa social media ang tweet ng OPM icon at miyembro ng APO Hiking Society na si Jim Paredes.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Jim ang isang larawan ng standee ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na naka-display sa gate ng bahay ng kanyang isang tagasuporta.

Ilang kritiko ni Marcos ang sinabi na tila nasa likod ng rehas ang standee ni BBM dahil sa itsura ng gate ng kanyang supporter.

Isa rin si Jim sa pumuna sa may-ari ng standee at sinabi na tila hindi pinag-isipan ng nasabing supporter ang pinaglagyan niya.

“This BBM house owner did not think well when he put this standee by the gate.” ani Jim.

Sa ngayon ay umabot na ng 24,000 likes sa Twitter ang nasabing post at umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens kasama na ang mga tagasuporta ni BBM.

Ilan naman ang tila may inalala habang binabatikos nila ang post ni Jim.

Ang inalala nila ay ang iskandalo na kinaharap ng OPM icon noong 2019 kung saan ay makikita ito na may ginagawa na pribadong bagay.

Ibinahagi pa ng ilan ang litrato na kuha sa nasabing video na hanggang ngayon ay nasa internet parin.

Matatandaan na inamin na noon ni Jim na siya nga ang nasa video at humingi ito ng tawad sa publiko.

Hindi naman malaman kung paano kumalat sa internet ang nasabing video.

 

 

Facebook Comments